Chapter 48: Claim

166 13 0
                                    

MASAKIT ang ulo ni Regor ng magising ito. Puno rin ng kalat ang silid nito. Napatingin ulit siya sa ulong nasa sahig. Isang ulo ng Maniquin lang naman pala ito. Dala ng matindi niyang kalasingan kaya siya natakot ng ganuon.

Pinagsisipa niya ang ulo na iyon. May napulot siyang maliit na papel na may nakasulat. Dinampot niya at binasa. "I'll hunt you where ever you hide. I'll take revenge no matter what," nanlaki ang mga mata niya.

"G'd damit! How could she scared me like this? Kung si  Scarlett ito? Walang patay ang magmumulto. Such a bullsh*t. Kung sino kaman I'm not afraid of you," naka-igting ang mga panga nito sa galit.

Kinuha niya ang cellphone saka tiningnan. Maraming missed calls ang nakita niya. Tumawag sa kanya si Mariposa. May mahigit tatlumpong missed calls.

Nag-alala tuloy siya sa babae. Tinawagan niya ito at buti na lang sumagot ito. Gusto niyang mag-explain sa babae.

"Darling, I'm really sorry. I will explain later. Magkita tayo sa mall. Okay?"

"Sige. See you."

Mabilis na naligo at nag-ayos si Regor. Nagpabango at nagpa-guwapo. Guwapo rin ito gaya ng kapatid pero ibang-iba sila ng ugali. Mas gentleman iyon kaysa sa kanya. They are totally opposite with each other.

Napagkasunduan nilang dalawa na magkita sa mall at mag-shopping. 

Nasa mall na sina Mariposa at Regor. Niyaya niya itong lumabas para maisakatuparan na ang kanilang plano. May isa pa silang plano bukod sa pagpapakita ni Scarlett bilang multo para natakot siya pero hindi na ngayon kakitaan ng takot ang lalaki.

Nagtungo muna sila sa kainan para kumain bago mag-shopping. Si Regor na ang um-order at si Mariposa ay Nagpaalam munang mag-si-CR.

Pagbalik nito sa mesa nila ay nakahain na ang pagkain. Naupo na lang siya sa upuan saka nagsimula nang kumain.

Nakatingin lang sa kanya si Regor.  Hindi pa ito kumakain. 

"Darling, I will explain about last night. Ang nakita mo kagabi ay hindi totoo. Tinulungan ko lang ang babaeng iyon.  Iyon lang, saka na misunderstood mo," pagsisimula nito. Ramdam naman sa boses nito na seryoso ito sa kanyang sinasabi. Nakaka-guilty kung soft-hearted ka. Ang ganda lang kasi ng pagkakasabi niya ng mga katagang iyon with feelings. 

Hinawakan ni Mariposa ang kamay ng lalaki. "Nah, it's okay. I'm the one to apologize. Ako ang naghinala ng subra kaya I'm really sorry," kunwaring paghingi nito ng tawad. Asa ka pa Regor?

Hinawakan din ng lalaki ang kamay niya. "Thank you. You know how much I love you. I don't need to cheat because everything I need is found in you. "

"Thank you" saka kinurot pa nito ang pisngi ng lalaki. Kinilig naman si Regor. "Let's eat. Tama na ang drama. I'm hungry."

Matapos kumain ay niyaya niya ito na manood ng sine. "Ano ba ang panoorin natin?" tanong nito kay Mariposa. 

"Uhmm. Iyong bagong movie. Ang "The Hidden Identity," suhestiyon niya. Maganda ang palabas kahit na sa trailer pa lang niya napanood. 

"Sure,"tipid nitong sagot.

Bumili muna sila ng ticket saka popcorn pagkatapos pumila papasok ng sinehan. VIP tickets ang kinuha ng lalaki. Marami pa rin itong pera. 

Kailangan niya itong libangin para matuloy ang plano nila. Naiinip na siyang makasama ang lalaking itinuturing niyang mortal na kaaway.

Subrang namimiss na niya si Liam. Parang gusto niyang umuwi sa Sulo para makita ang lalaki pero hindi pwede. Nakokonsensya na rin siyang hindi na niya ito tinatawagan. Nagtaka na rin siyang hindi rin nagtext o tumawag ang lalaki. Dati kada-linggo tumatawag ito sa kanya pero ngayon hindi na. 

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon