Chapter 18: Scarlett 2222

266 16 0
                                    


UNTI-UNTING iminulat ni Scarlett ang kanyang mga mata. Matapos ng tatlong araw ay nagising na siya. Napakatapang niyang tao kaya nalampasan niya ang bahid ng kamatayan.

Who really think she would survive, ni wala na siyang pulse rate ng matagpuan siya ni Astra. It's a miracle.

"N-nasaan ako?" mahinang wika niya. Pinipilit niyang igalaw ang buong katawan pero subrang sakit ng kanyang nararamdaman. Dulot ito ng mga sugat na natamo niya. Hindi pa kasi masyadong humihilom ang mga sugat niya. Puno pa ng binda ang buo niyang katawan.

Inikot niya ang paningin sa loob ng silid na iyon. Puro puti ang kanyang nakikita sa paligid.

"Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Paano na 'to hindi ko na matutulungan si Amore," wika niya ulit. Tumulo ang kanyang mga luha na hindi niya mapigilan.

Napagkamalan niyang patay na siya dahil puro puti ang lahat ng kulay ng dingding ng silid na iyon. Masyado pa siyang mahina at tila nanlalabo pa ang kanyang paningin kaya napagkamalan niyang nasa langit na siya.

Di pa naman bumungad  sa kanya si San Pedro na may hawak na  manok kaya tiyak niyang buhay pa siya sa mga oras na 'yun.

Eksakto namang papasok na si Dindo sa loob ng kuwarto para e-check ang kalagayan ni Scarlett. Nakita niya itong gising na. Agad niya itong nilapitan.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Miss? Huwag kang masyadong magalaw at baka bumuka ulit ang mga sugat mo. Marami ang mga natamo mong sugat kaya hindi ka pa pwedeng gumalaw nang gumalaw," wika niya. Concerned siya sa kalagayan ni Scarlett at the same time humanga sa katapangan nito.

"Nasaan ako? Buhay pa ba ako?" tanong niya ulit. Hindi pa rin siya makapaniwala na may nakaka-usap siyang tao. Si San Pedro na ba ito?

"Oo, buhay ka pa. Ang suwerte mo dahil sa dinami-rami ng mga malulubhang tama ng baril na tumama sa katawan mo ay nakaligtas ka pa rin. Congratulations for being a strong woman. Huwag kang mag-aalala safe ka na," pahayag ni Dindo.

"Huh. Talaga buhay ako? Salamat sa'yo," pinilit nitong ngumiti. Hindi pa rin siya nito nakikita ng malinaw. Medyo blurry pa kaya hindi niya nakilala na si Dindo ang kausap niya.

"Oo. Huwag kang magpasalamat sa akin. Kay Astra ka dapat na magpasalamat, kung hindi dahil sa kanya siguro totoo na nasa langit ka na ngayon. Siya ang tumulong sayo at dinala ka rito sa hideout. By the way, I'm Dindo Ruiz, I'm a doctor. Sila ang kumidnap sa akin para hindi ako makuha nina Regor. Ngayon ko lang napagtanto na mas safe pala na naririto ako kaysa nasa labas ako."

"Ikaw pala Dr. Dindo Ruiz. Maraming Salamat sa pagligtas mo ng buhay ko."

"Walang anuman. Matulog ka na lang ulit para mas lumakas ka pa lalo. Wala pa naman dito si Astra kaya mas mabuting magpahinga ka muna para pagbalik niya ay makaka-usap ka na niya. Sige, lalabas na ako. Huwag kang mag-aalala maraming bantay sa labas. Hindi ka na rito mahahanap ng mga gustong pumatay sa iyo."

"Sige."

Dahil sa matinding panghihina ay kaagad na nakatulog muli si Scarlett. Kinakailangan niyang maging malakas  para mas madali siyang gumaling at nang makapag-lie low na muna.

Pagkalabas naman ni Dindo ay agad niyang tinanong ang inutusan niyang isang miyembro ng OMARE CORPs na magmanman sa bahay nila.

"Hi," unang bati niya ng malalapit siya. "Anong balita ang nasagap mo mula sa bahay?" Sunod niyang tanong.

Excited siyang may malaman mula sa ibabalita ng babae.  Subrang na miss na rin niya ang mga magulang niya, tiyak niyang hindi na sila mapakali sa kakahanap sa kanya.

"Pinapahanap ka ng mga magulang mo at may isang babae na mataas, maputi at siyempre maganda ang pumunta sa bahay ninyo. Kakalabas lang din niya sa bahay niyo ng makita ko siya. Siguro kilala mo iyon,sir Dindo," tugon nito sa kanya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon