Chapter 34: Smart and Kind

202 12 0
                                    

MALUNGKOT ang bawat umaga nina Liam at Tiyo Gusting simula nang umalis si Amore sa isla. Nagtampo ang matanda dahil sa ginawa ni Amore na pag-iwan sa kanilang dalawa ng walang pag-paalam bago ito umalis.

"Tiyo, bakit po ba kayo nagagalit na umalis si Amie dito sa isla?" tanong ni Liam, nasa labas ng bahay habang nakaupo sa may papag at umiinom ng kape kasama ang matanda.

"Alam mo namang hindi ligtas ang Maynila. Maraming tao ang mga nandoon na hindi mo alam, malay mo nakasalubong mo lang ay snatcher o 'di kaya'y killer. Kaya ayaw kong bumalik pa siya sa Maynila, kung pagluluto lang naman pala ang magiging trabaho niya doon e' sana dito na lang siya. Ito nga ang rason kung bakit ako nagpatayo ng carinderia," malungkot na pahayag ng matanda.

"Ganun po ba? Alam ninyo matapang na babae si Amie at walang may magkakamaling saktan siya. Magtiwala lang po tayo sa kakayahan ng asawa ko," sabi nito sa matanda para kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito.

"Bakit mo kasi pinayagang umalis? Hay naku, kung hindi lang sana ako naglasing noong gabing iyon, 'di sana siya umalis dito sa isla at napigilan ko siya," wika ng matanda.

"Hindi ko naman siya pinayagang umalis pero sadyang mapilit talaga siya Tiyo kaya wala na akong magawa pa para pigilan siya," sagot niya sa kay Gusting.

"Sana wala ngang masamang nangyari sa kaniya. Ayoko nang mawalan ulit ng pamilya. Namatay na ang kakambal ko kaya ayoko rin na pati siya ay mawala sa akin. Wala na akong maituturing na kayamanan bukod sa kaniya," bumuntong-hininga siya. "Nangako ako sa ina niya na aalagaan ko siya kapag umuwi siya sa isla at mas tumindi ang pag-aalala ko nang mamatay ang ama niya."

"Bakit po?  Ano po ba ang totoong nangyari sa ama ni Amie?" kuryusong tanong niya sa matanda.

"Pinatay ang ama niya ng mga hindi kilalang tao. Mga walong taong gulang pa lamang siya noon. Oo, napakabata pa niya noon kaya hindi pa niya alam ang gagawin sa oras na iyon, nagkaroon pa nga siya ng trauma. Nagkataon noong nagpunta ako sa bayan at nakita ko sa TV ang balita. Pagkakita ko sa batang umiiyak ay nalaman ko agad na si Amie iyon. Binigyan kasi ako ng kapatid ko ng larawan niya ng bata pa siya at iyon na rin ang huling pagkikita namin ng kanyang ina. Simula noong nangyari iyon ay takot na akong umalis pa siya ulit sa isla. Hinanap ko siya sa Maynila at dinala ko siya rito pero sadyang mapilit siya at nang mag-18 siya, nagpaalam siyang umalis. Pitong taon siyang pabalik-balik sa Maynila. Ewan ko kong nagsasabi siya ng totoo sa'kin tungkol sa naging trabaho niya roon."

"Ganun po ba? Huwag kayong mag-alala matapang siyang tao at siguro nalagpasan na niya ang anumang trauma na sinapit niya noong bata pa siya."

"Bakit wala ba siyang mga naikuwento sa'yo? Asawa mo siya kaya dapat pinaalam niya sa'yo ang mga nakaraan niya. Hay naku, mahilig talaga siyang magtago ng mga bagay-bagay tungkol sa pagkatao niya."

"Wala siyang naikuwento na mga bagay maliban lang sa wala na siyang mga magulang, ikaw lang ang natitira niyang kapamilya at ang pagkamatay ng ama niya pero hindi detalyado ang mga sinasabi niya. Ewan ko sa asawa ko Tiyo, napaka misteryoso niyang tao."

"Talagang misteryosong babae, masayahin kapag nakikita mo pero kapag nag-iisa parang daig pa nito na pasan niya ang mundo," pagbibiro ni Tiyo Gusting. Nakuha na nitong ngumiti kahit kunti.

"Tama ka Tiyo. Pasaway talaga ang asawa ko. Huwag kayong mag-alala ipapa-alam ko talaga sa inyo kapag nakatawag na siya sa'kin. Puwede niyo na siyang pagalitan ng bonggang-bongga."

"Ay talaga lang, pagagalitan ko talaga siya."

"Huwag na po kayong malungkot, tatawag din po siya at sana maisipan na niyang  umuwi na lang dito sa isla."

"Sana nga, chef daw siya sa isang restaurant. Bakit malaki ba talaga ang sahod ng pagiging chef? Kung bakit bumalik pa siya roon. Meron naman ditong carenderia at maganda naman ang takbo ng negosyo."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon