Chapter 2: Escape

683 27 2
                                    


NAKARATING na sina Amore sa medyo malayong lugar, dito iyong sekretong lagusan ng tunnel. Walang sinuman ang may alam nito maliban sa kaibigan niyang doctor na si Dindo.

May pinuntahan agad siyang kakilala. Ang matanda niyang katiwala. "Mang Isko, nasaan po kayo? Mang Isko?" tawag niya sa matanda.

Dali-dali itong lumabas ng marinig siyang tumatawag sa labas ng bahay nito. "Hala, nandito kayo ma'am? Mabuti naman at napadalaw kayo sa'kin," sagot nito sa kanya.

"Hindi lang ako napadalaw rito. Kailangan ko ang tulong mo. Nasaan na ba ang kotseng ipinatago ko sa inyo?" kaagad nitong wika. Ayaw na niyang patumpik-tumpik pa.

"Alam ko na ang ibig mong sabihin. Nasa likod ng bahay, maayos ang lagay niyon palagi kong pinapa-lubricate, tara sa likod ng bahay," wika nito saka pumanhik agad palikod.

"Sige, kung maaari lang sana Mang Isko, madaliin na natin ang pag-alis dahil baka masundan nila kami rito."

"Aba, sino naman ang naghahabol sa inyo? Bakit?"usisa ng matanda.

"Hinahabol kami nina Regor."

"Ha? Papaano? 'Di ba boss mo siya?" gulat nitong tugon.

"Oo, dati iyon pero hindi na ngayon. Naikuwento ko naman sa inyo kung bakit ako nanatili sa ilalim ng pamumuno ni Regor, hindi ba? Marami na siyang mga kasalanan sa akin at mas dinagdagan pa niya ito ngayon," may galit na tugon niya sa tanong ng matanda.

"Oo, siya nga pala, sino iyang guwapong lalaki ang kasama mo?" curious na tanong ng matanda habang nakangisi.

"Ah. Huwag ka na magtanong Mang Isko, sa makalawa ko na lang sasabihin sa'yo. Ipagmaneho mo na kami papunta sa pampang. Kailangan na namin maka-alis ngayon din," naiiritang wika niya sa matanda.

Hindi siya nagagalit sa kakatanong nito pero nagmamadali lang talaga siyang makaalis kaya ganun ang isinagot niya. Maiintindihan naman iyon ng matanda. Ang daldal neto kasi ayan tuloy napagsungitan niya.

"Sige Ma'am," agad nitong sagot saka kinuha sa likuran ang kotse. Mabilis sila nitong inihatid sa pupuntuhan nila.

Mabilis silang nakarating sa pampang. May hinanap agad silang tao. Kaibigan din ito nina Isko.

"Karding? Nasaan ka? Kailangan ni Amore ang yate niya. Karding, bilis buksan mo ang pinto ng bahay mo," tawag ni Isko sa kaibigan niya.

"Naku, sandali lang," sagot nito mula sa loob ng bahay.

Bumungad agad ito sa kanila. "Nasaan na ang yate ko Mang Karding," agad na tanong ni Amore.

"Ikaw pala ma'am. Nasa malapit sa pampang. Huwag kayo mag-aalala okay iyon at may sapat pang gaas. May extra din po diyan baka sakaling maubusan. Malinis din po ang loob. Bakit nga pala kinakailangan ninyo ito ngayon? Matagal niyo na itong hindi ginamit ah?" saad nito.

"May importantanteng pupuntahan ho kami ng kaibigan ko," sagot ni Amore saka itinuro si Liam na nakatayo lang sa may gilid ng kotse.

"Sige. Umalis na kayo Ma'am," wika ni Isko

"Heto. Sana maging sapat na itong mga pera na 'to, sana makatulong ito sa iyo," wika ni Amore saka iniabot ang envelope na may lamang tag-iisang daang libong piso. Hindi iyon suhol kundi tulong sa dalawang matanda.

Tinanggap naman iyon ng dalawang matanda. Wala na silang magagawa, kahit di pa nila tanggapin ay ipagpipilitan parin ni Amore na mabigay sa kanilang dalawa ang pera.

"Aalis na po kami, Mang Isko at Mang Karding mag-ingat kayo at maraming salamat. Kung may kailangan kayo tawagan niyo lang ako. O, kung may nagtatanong tungkol sa'min. Paki-usap huwag niyo pong sabihin kahit ninuman na nandito kami kanina. Mang Isko, kayo na ang bahalang magpaliwanag kay Mang Karding. Aalis na kami," paalam niya sa mga matatanda at agad na silang umalis ni Liam.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon