Chapter 57: She's in danger

167 10 0
                                    

MASAKIT ang katawan ni Regor ng magising siya. Agad niyang iminulat ang mga mata. Hindi sila magkasama ni Maripusa. Galit na galit siyang napabangon. Masakit din ang ulo niya.

"Bwesit. Hindi ko siya nakuha kung ganun?"

Agad niyang tinawagan ang tauhan niyang nasa labas.  Pumasok din ito kaagad sa kuwarto niya.

"Yes boss? Ihahanda ko na ba?"

"Tika lang. Anong nangyari kagabi?"

"Dinala kita rito dahil nakatulog ka na dahil sa subrang kalasingan. Bakit boss?"

"Ganuon ba? Sige. Ihanda mo na ang yate. Ngayon na niya matitikman  ang pait ng kapalaran niya."

"Okay boss. Sana man lang pagsawaan muna natin siya. Sayang naman dahil maganda at sexy ang babaeng iyon." Nakangising wika nito. Isa pa itong manyak na ito.

"Huwag na. Hayaan na nating pagsawaan siya ng mga pating sa dagat. Kung tuso siya mas tuso ako."

Lumabas na ito sa kuwarto niya. Nakita niya si Maripusa sa labas, nagkakape.

"Good morning Darling. How's your sleep?"

"Well, it's good. How about yours?"

"Very well. Kape tayo."

"Sure. By the way are you ready to ride in the yatch?"

"Yeah. I like it. Let's eat breakfast first. May ipinahanda na ako sa Chief mo. Ipapakuha ko na ba?"

"Sure."

Ngumiti siya saka tinawagan ang chief ni Regor. Nang makausap niya ito kanina ay nagbigay ito ng number.  Mabait ito at parang maasahan naman. Nagkuwento pa ang nga ito ng tungkol kay Regor.

"Wala naman itong lason Regor. Pero malapit na kitang mapapatay. Sa oras na magtatapat ka na ay pwede na kitang patayin   agad. Kung buhay ang inutang ay buhay rin ang kabayaran."  Nag-uusap ang kanyang isipan.

"Let's  eat!"

Matapos nilang kumain ay nag-ayos na siya ng sarili. Nagsuot siya ng two-piece saka pinatungan ng manipis na roba.

Maganda at sexy siya tingnan... Marami ang maglalaway sa kanya. Isa na rito si Regor.

"Tara  na."

"Sure!"

"Wow maganda talaga ang view ng lugar na ito. I miss this."

"Diyan ka muna. May gagawin lang ako."

"Okay."

Iniwan na niya ang dalaga. Tanaw na tanaw ni Amore sa hindi kalayuan ang bangkang de-motor nina Astra. Umaaligid ito kanila.

"Bogart, may napapansin ka bang umaaligid sa atin?"

"Wala naman  boss, maliban sa mga bangkang de-motor na nasa hindi kalayuan pero mga babae naman ang sakay."

"What? Paalisin mo ang mga iyon. Ayaw kong may makakita sa gagawin ko kay Maripusa."

"Okay Boss." Agad na tumalima ang tauhan niya. Bumaba ito ng yate at sumakay sa speed boat.

Nakita ni Maripusa ang pag-alis nito. Ikinumpas niya ang kamay indikasyon na may hindi magandang mangyayari.

Nakita niyang  lumapit ang tauhan ni Regor kina Astra.

Sa tantiya niya ay pinapa-alis niya ang mga ito.

Hindi pa sina Astra umaalis habang nasa kalagitnaan naman sila ng dagat. Medyo malayo na sila mula kina-Astra. Na distract sila sa ginawa ng lalaki.

"Anong tinatanaw mo sa malayo?" Si Regor. Lumapit na ito sa kanya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon