Chapter 5: Scarlett's Mission

414 17 0
                                    

KASALUKUYANG nasa Alpha Mouhiere Empire at nakaupo sa kanyang truno si Regor, may kung anong iniisip.

Nasa loob siya ng kanilang organisasyon. Siya ang tinaguriang hari ng kanilang organisasyon. Ang kanilang grupo ang itinuturing na mga batikan sa larangan ng mga ilegal na gawain, pagbibinta ng mga ipinagbawal na gamot, pagbibinta ng mga babae at pati na ang child trafficking. Iyan ay iilan lang sa mga sakop na negosyo ng kaniyang organisasyon. 

Naalala niya ang araw kung saan nagawa siyang traydurin ng kanyang pinakamamahal na alaga. Walang iba kundi si Amore. Akala niya habang buhay na niyang hawak sa leeg si Amore, pero nagkakamali siya, she's been his greatest rival now.

Galit din siya sa babae dahil nagawa nitong tulungan ang half-brother niya, si Liam.

Ipinapapatay niya ito dahil gusto niyang masulo ang lahat ng pamana niyong natanggap mula sa mga yumaong magulang. Lumaking masama at sakim si Regor kagaya ng kanyang tunay na Ama, na isa ring drug Lord noong nabubuhay pa.

*Sige habulin niyo sila! Huwag kayong tumigil sa paghahanap sa kanilang dalawa. Dalhin ninyo ng buhay si Amore at kung maaari patayin niyo na lang si Liam, maliwanag ba?*

"G'ddamit! Bakit mo ito nagawa sa'kin Amore? Magbabayad ka. Hahanapin kita kahit saan kapa magtago o kahit  saang sulok pa iyan ng  impyerno! Akala ko ikaw na ang nag-iisang tao na mapagkatiwalaan ko. Nagkamali lang pala ako. Bakit?" galit na galit na wika ni Regor. Siya pa talaga ang may ganang manumbat.

Ipinagbabato lahat ni Regor ang mga bagay na kanyang nakikita at nahahawakan. Galit na galit siya. Tila umaapoy ang kanyang mga mata at umuusok naman ang kanyang ilong sa galit.

Natigil lang ang ginagawa niya ng pumasok si Scarlett, may balita itong dala para sa kanya.

"Excuse me Boss, may nakita kaming gamit ni Amore. Ito ang kanyang cellphone, napulot namin sa paligid ng bahay niya. Wala namang ebidensya  rito maliban sa mga pictures niya, at walang ibang nakarehistro na mga numero na maaari naming ma-trace up. Wala din pong simcard at memory card ang cellphone na ito," pahayag ng kanyang tauhan. Nakita nila ang naiwan nitong cellphone.

Nakita niyang umigting ang mga panga nito. His dark brown eyes burst into anger,guwapo sana kaso demonyo.

"Punyimas! Papaanong wala? Sige, maghanap pa kayo ng mga taong maaari ninyong tanungin. Ang doctor na kaibigan ni Amore, si Dindo Ruiz.  Baka may-alam siya. Siya na lang ang natitirang alas natin. Hanapin niyo siya at dalhin dito sa harapan ko. Maliwanag?"

"Yes Boss! Babalitaan kaagad kita kung nahanap ko na siya. Sige mauna na po ako," paalam nito.

Pero bago pa makalabas si Scarlett ay muli siyang nagsalita.

"Scarlett, gawin mo ang lahat at ipakita mo sa 'kin na tapat ka bilang alalay ko. Ayaw ko ng traidor sa panig ko. Hindi ako mangingilin na patayin ka! Huwag mong tularan si Amore!"  Paalala ba ito o pagtatangka?

"Opo."

Tuluyan nang umalis si Scarlett. Siya ang kanang kamay ni Amore noon. Tapat siya sa kanyang amo pero sino kaya ang mas papanigan niya ngayon lalo na't wanted kina Regor si Amore? Mahalaga sa kanya ang trabaho niya dahil ito lang ang tanging bumubuhay sa kanyang ina.

Pagkarating niya sa sasakyan agad niyang dinukot ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Hello. Oo, magtipon kayo ngayon sa hideout may importante akong sasabihin. Ipatawag ang lahat. Sige, papunta na ako."

Mabilis na pinatakbo ni Scarlett ang kanyang sasakyan. Pagkarating sa bahay niya ay agad siyang nagpalit ng damit at sumakay sa kanyang kulang itim na motorsiklo. Ito ang ginagamit niya sa tuwing may ibang lakad. Kung sa Alpha Mouhiere Empire siya patungo ay formal ang kanyang gawi at suot at nakasakay sa kulay blue na motorsiklo.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon