Chapter 53: Truth

167 13 0
                                    

KASALUKUYANG binabagtas ni Liam ang isang masukal na daan. Nagpalinga-linga siya kung mayroong ibang tao ang nandodoon pero parang wala naman kaya kahit kinalabutan siya ay patuloy niya itong binabagtas. Wala naman siyang ibang puwedeng daanan kaya wala na siyang choice kundi ang tahakin ang ganitong daan.

Habang patuloy niyang binabagtas ang daan ay may narinig siyang ingay at kaluskos. Mga ilang saglit ay may narinig siyang mga yabag at mga boses ng mga kalalakihan. Nagpasya siyang magtago at magmanman sa paligid.

Mula sa tinataguan niyang puno ay nasaksihan niya ang isang kalunos-lunos na krimen. Isang lalaking may edad na nasa kuwarenta ang pinagtutulungan bugbugin  ng tatlong armadong lalaki pero parang nagmamatigas pa rin ang lalaki kaya nung huli ay walang awang pinagbabaril nila iyon.

Tila natutop ang kanyang dila ng mga sandaling iyon, parang masisiraan na  siya ng bait dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inaakalang ganun ang makikita niya.

Pagkaalis ng tatlong kalalakihan ay agad niyang nilapitan ang lalaki. Akala niya patay na ito pero bigla siyang hinawakan nito sa kanyang kamay.

May iniaabot ito sa kanya na isang kulay pula na  maliit na sisidlan.

"Ibigay mo 'to sa anak ko. Maawa ka, pakibigay nito sa kanya. Pakiusap," naghihingalong wika nito. "Ipangako mo sa akin na ibigay mo ito sa kanya at alagaan mo ang anak ko. Mamamatay akong masaya kapag nagawa mo ang ibinilin ko sa iyo," huling wika nito saka nilagutan ng buhay.

Napatakbo si Liam sa subrang takot.

At sa 'di kalayuan ay may batang babae siyang nakita na umiiyak.

Natakot siya ng makitang may mga nakamaskarang tao ang papalapit dito kaya tumakbo siya papalayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang batang babae.

HINIHINGAL nang magising si Liam. Napanaginipan niya ulit ang minsan na niyang napanaginipan noong nasa Sulo pa siya.

Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng subrang sakit dito.

"Ahhh!! Aray!!!" sigaw nito. Sunod nito ay may mga naalala naman siya ulit.

"Pulang sisidlan? Panaginip lamang ba o totoo ang mga panaginip kung iyon? Kung totoo nasaan na iyon?"

Bumangon si Liam at nagpalakad-lakad habang inaalala ang mga bagay na parang pamilyar sa kaniya.

"Di kaya'y si..." Naputol ang gusto niyang sabihin ng maalala ang isang bagay na matagal na niyang itinatago. "I remember now, I put it in the basement. Sa may vault. Tama nandoon 'yon."

Mabilis siyang bumaba sa basement saka naghalungkat. Medyo maraming agiw at alikabok ang loob ng basement.

Nahirapan siyang hanapin kung saang parte ng basement iyon nakalagay. Walang palatandaan ang nilagyan niyang iyon para walang may makakahalata.

Medyo madilim sa pinakasulok na bahagi ng basement kaya kumuha muna siya ng flashlight saka bumalik. Napundi na pala ang ilaw roon dahil matagal nang hindi napapalitan.

Nang makabalik siya sa dulong bahagi ay may nakita siyang palantadaan na ito na ang vault. May nakausli kasing screw sa gilid. Pinunasan niya ito ng basahang nakuha niya sa may 'di kalayuan. Naging stock room na rin kasi ito mula ng mamatay ang mga magulang niya. Dati siya lang may lakas ng loob na manatili sa basement kapag nalulungkot siya. Dito siya nagtatago at nagkukulong ng sarili.

May password ang vault kaya hindi niya mabuksan. "Oh, gash. What should I do? Ano ba ang password nito?" Naiinip na wika niya habang sinusubukan ang lahat ng maalala niyang pwedeng maging password nito.

Napasuntok siya sa dinding ng mga sandaling iyon. "What is the password?"galit na wika niya.

Sinubukan ulit niya na mabuksan ang vault. He need to know about this thing. Ramdam niyang may ebendisya roon. Matagal na niya itong itinago at hindi basta lang panaginip ang tungkol doon. May parte ito sa kaniyang nakaraan.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon