Chapter 24: Contest-3316

258 12 0
                                    


MAAGANG nagising si Liam at nagluto ng mga paboritong pagkain ni Amore. Gusto niyang surpresahin ang babae. Talagang masu-surpresa ito kapag nalamang siya ang nagluto ngayong araw.

 Magaling din naman siyang magluto dahil nakapag-aral siya ng Culinary Arts sa States saka nag-aral ulit ng Business Administration. Pero hindi niya kin-a-career ang pagluluto at tumuon ang pansin niya sa business.

May pakanta-kanta pa siyang nalalaman habang nagluluto. Medyo magaling naman siya at nasa tamang tuno  kung kumanta. Dagdag plus points iyon.

Nang magising si Amore ay nalanghap kaagad niya ang mabangong amoy ng pagkain. Napapalunok pa nga siya kahit hindi pa siya nakapagmumog. Bumangon siya at tumayo na mula sa higaan niya.

"Wow, ang bango ng luto ninyo Tiyo Gusting ah. Anong nakain ninyo ba—" naputol ang dapat niyang sasabihin ng makitang si Liam ang nagluluto at hindi ang tiyuhin niya. Napakamot tuloy siya sa kanyang batok.

Hindi talaga siya nag-iisip kaya napagkamalan niya tuloy na si Tiyo Gusting niya ang nagluluto. Talagang nasurpresa siya ng makita na si Liam mismo ang nagluluto ngayong umaga.

"Good morning, Am. Do I surprise you? Umupo ka na sa may upuan dahil ngayong umaga ay pagsisilbihan kita. Ako na naman muna ang mag-aasikaso sa inyo ni Tiyo. Tara na kumain na tayo. Masasarap 'tong mga niluto ko at mga paborito mo pa," may pagmamalaking alok ng lalaki sa kanya.

Ngumiti lang siya at saka tumungo muna sa kusina para maghilamos at magmumumog.  Nakakahiya namang humarap sa lalaki na may muta at tuyong laway pa sa mukha niya.

Pagbalik niya ay kaagad na nilagyan ni Liam ng pagkain ang pinggan niya. Talagang tutuhanin niya ang sinabi nitong aalagaan niya ngayong araw si Amore. Napakahimala naman yata ang lahat ng mga inaasta niya ngayon.

"Anong nakain niya ba't siya ang nagluluto ngayong umaga? Nasaan na ba kasi si Tiyo? Hindi naman nagpa-alam kung saan pupunta,"sabi ng utak niya.

"Hey, ano ba ang iniisip mo? Siguro si Tiyo Gusting na naman ano? Pupunta raw siya sa kaibigan niya sa bayan. May transaksiyon daw sila. Mga alas-sinco pa nang umaga iyon umalis. Kagigising ko lang din ng umalis siya. Kaya huwag mo na munang hanapin ang Tiyo mo. Kumain ka na. Sige ka kapag hindi ka kakain pipilitin kitang subuan ka ng pagkain gusto mo ba iyon?" wika ni Liam na puno naman ng pagbibiro.

"Oo na, kakain na ako. Nakakahiya huwag mo na akong subuan, hindi na ako bata. Siya nga pala hindi muna tayo magbubukas ng karenderya dahil gusto ko munang pumunta tayo sa Tinagong Isla. May ituturo ako sayo mamaya. At wala din namang magbabantay rito dahil kahapon ay nagpa-alam din si Lita na pupunta siya ngayon sa bayan para kumuha ng College Admission Test. Gusto kasi niyang mag-aral kaya susuportahan ko na rin ang pangarap niya." Ang dami-dami na niyang sinabi. Tango lang ang mga sinagot ni Liam sa kanya.

Ngumiti na lang si Liam dahil wala din naman siyang maisingit sa usapan nilang dalawa.

"Masarap ba ang luto ko?" nakangiting tanong niya kay Amore na panay subo ng pagkain." Tumango si Amore.

"Well, napakasarap ng mga luto mo. Pwede ka din naman pala maging Chef Liam, sana noon mo pa kami tinulungan magluto. Pero bakit hindi mo man lang sinabi na magaling ka din pala sa cooking," wika ni Amore na may halong pagtataka.

Ngumiti lang si Liam. "Am, tungkol nga pala sa sinabi mong pupunta tayo sa Tinagong  Isla, ano naman ang gagawin natin doon? Kapupunta lang natin doon noong isang linggo tapos ngayon babalik na naman tayo dun? Ano na naman ang binabalak mo, Am?" wika niya na puno ng pag-uusisa

"Ah, tungkol doon sa pagpunta natin sa Tinagong Isla ay secret muna iyon. Let's enjoy the food first, ang sarap kaya tiyak mapaparami ako ng makakain ngayong umaga," sunod pa nitong sinabi saka sumubo ulit ng pagkain.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon