Chapter 31: First Mission

201 18 0
                                    


MAINGAY ang naging hiyawan sa loob ng isang Club. Marami ang mga taong nakikisaya habang may isang star dancer na sumasayaw.

Marami rin ang mga naghihiyawan at nagkakantiyawan.

Ang iba naman ay mga lasing na kaya napayuko na sa mesa habang natutulog na pala. Ang iba naman ay nagsisipaglandian at nakikipaghalikan sa mga katabi nila.

Busy ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa, walang paki-alaman at ang iba naman ay nakatutok sa star dancer na susayaw sa stage.

Nandodoon din si Regor at nanunuod sa show, nakauwi na siya mula sa States. Wala namang may sumampa sa kanya ng kaso kaya pinili niyang umuwi na lang. Malayang-malaya pa rin siya.

He hates life in States. At mas gusto niya rito sa Pinas dahil para sa kanya dito ang kanyang tirituryo.

Napapakagat-labi siya sa tuwing gumigiling-giling at naglalaro ng sayaw sa pole ang babaing star dancer ng club.

Maputi, sexy at makinis ang balat nito kaya nakuha niya ang atensyon ni Regor. Ganito ang mga tipo niyang babae ngunit nagtaka siya ng kaunti dahil natatakpan ang mukha nito ng isang maskara.

Habang sumasayaw ito ay talagang sinasadya nitong ipakita kay Regor ang legs at cleavage niya.

Nilapitan nito si Regor at basta-basta na lang umupo sa harap ni Regor. Pagkatapos ay tumayo ulit at sumayaw sa harapan niya.

Napangisi naman ng abot tenga si Regor dahil sa ginagawa nitong babae.

"Hey, miss beautiful. Pwede ba kitang maitable mamaya?", tanong niya sa babae dahil hindi na niya mapigilan na mahawakan iyon. Umandar naman ang pagkamanyak niyon.

Lumapit ulit itong babae sa kanya at bumulong.

"Sure, handsome. Just wait until the end of the show", sagot nito saka unti-unting bumabalik sa may stage saka nag-flying kiss pa sa kanya.

"I like her. Ha ha ha", wika ni Regor habang ngingisi-ngisi.

Sumayaw nang sumayaw ulit ang babae at napangisi naman si Regor pero ng matapos ang musika ay basta na lang dumilim ang stage at pagkabalik ng ilaw ay wala na ang babae.

Napatayo si Regor at napahawak sa kanyang ilong. Bigla itong nagalit ng hindi na nakita ang star dancer.

Pumunta siya sa may counter at hinanap agad ang manager ng bar.

"Mr. Manager nasaan na ba ang star dancer niyo kanina. I like her. Magababayad ako ng malaki maitable ko lang siya", sabi niya sa manager na kanina pa namumutla.

"Eh.. si- sir, just wait. Hindi kase tumatable ng customer si Maripusa eh, tanging dancer lang talaga siya", namumutla na talaga itong manager. Hindi niya alam ang isasagot.

"What? Imposible!", Napalakas na ang boses nito.

"It's okay sir, para sa special customer ninyo, i-tatable ko siya. Or shall we say pwede na rin sa private room na lang. Mas mainam doon walang disturbo", singit ng babae.

Mabuti na lang at lumabas na ito dahil kung hindi ay tuluyan nang nangisay sa takot iyong manager.

" No need. Doon na lang sa table ko, I prefer na doon na lang tayo mag-usap miss Maripusa", nakangising wika nito saka inakbayan agad ang babae.

Ngumiti naman pabalik ang babae.

Naging tuso na si Regor at ayaw na niyang kumuha ng private room dahil baka maulit muli ang nangyari sa kanya noon. Mga pulis pala ang mga nagpanggap na bayarang babae.

"Tara na handsome", malambing na wika ng babae saka iginiya siya nito sa mesa niya.

Nagpakawala naman ng ngiti si Regor sa babae.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon