Chapter 16: Be Scared

275 14 0
                                    

NAKA-UPO si Regor sa upuan niya. Napapangiti pa siya habang sinasariwa ang pagkamatay ng babae. Hinihintay niya ang pagdating ng mga tauhan niyang inutusang itapon sa ilog ang bangkay ni Scarlett.

Pumasok na ang mga ito. May ngiti sa mukha na humarap sa kanya. Kahit sila ay masaya rin sa pagkawala ng isa sa spy sa grupo nila.

"Naitapon niyo na ba ang bangkay ni Scarlett sa ilog? Sigurado ba kayong napakain niyo na sa mga buwaya roon?" tanong ni Regor sa kanyang mga tauhan. Hindi pa rin siya mapakali pero masaya siyang nabawasan ang mga taong gusto siyang traidurin.

Gusto niyang masigurado na patay na nga ang bababe. Para sa kanya kung wala ka nang silbi  sa buhay niya ay parang basura ka na lang niyang itatapon. Ang sama-sama ng ugali niya. Walang katulad.

Nakangisi ang mga ito. "Yes, Boss. Sino pa ba ang mabubuhay sa ganuong tama ng baril? Patal lahat ng tama niya at matindi ang pagdurugo ng mga sugat niya kaya hindi na siya mabubuhay pa. Isang malaking himala na kung mabubuhay pa siya," wika ng isa sa mga tauhan niyang inutusan. Siguradong-sigurado talaga siya.

"Tama boss, hindi na siya mabubuhay pa. Magtiwala ka sa amin."

"Sige. Heto ang mga letrato. Hanapin mo ang mga ito. Mag-hire ka nang mga tauhan para mapadali mo ang paghahanap sa kanilang tatlo. Heto ang pera, doble na iyan kaya pagbutihin mo ang trabaho mo. Maliwanag ba?" napangisi siya pagkatapos. Iba talaga ang nagagawa ng pera, marami ang napapaikot nito, at sa masamang paraan pa.

Ngumisi rin ito. Hayok ang laman sa pera. Di bali nang gumawa ng masama mabuhay lang ang pamilya sa maling paraan.   "Ayos boss. Ganire ang gusto ko. Malaking salapi!" tugon ng tauhan niya saka ngumisi ulit.

"Tamang-tama, kailangan ko ng pera," sabat ng isa.

Ganid sa pera pero sa samasa naman nanggaling. Kung alam iyan ng pamilya niya na sa masamang gawain nagmula ang pinapakain niya siguro hindi nila iyon malulunok pa. Buhay talaga.

"Sige, labas na."

Agad namang tumalima ang kanyang tauhan. Nakatanggap na ito ng suhol kaya banayad ang mukha nito ng lumabas. Napakalaking ulol. Dahil sa pera nagpapaalipin sa isang demonyo na gaya ni Regor. Gagamitin lang sila ng lalaki, pagakapos echapwera na lang.

May tumawag naman agad kay Regor at siya namang ikinagalit niya.

"Ano? Patay na si General Cruz? Paanong nangyari iyan? Kahapon kakatawag lang niya sa akin at nagawan na niya ng paraan para makapuslit tayo ng mga druga sa loob ng bilangguan na hindi nalalaman nang ibang mga kapulisan at Jail officers.Paanong nangyari ito?"galit niyang usisa sa kausap niya. Walang mapagsidlan ang galit niya. Gusto niyang sumabog sa galit.

"Ha? May mga tumambang sa sasakyan niya? Papaano?" mas lalo pa siyang nagalit ng marinig sunod na sinabi ng kausap niya.

"Sino daw ang mga posibleng gumawa nito sa kanya? Ano may nakakita na witness at mga grupo ng mga kababaihan ang tumira sa kanya? Inutil, mga babae lang naman ah, wala ba siyang mga body guard na kasama?" galit na dismayado ang boses niya ng huli.

"Meron? ...Oh  patay rin? Argh. Goddamn it! Sige. Huwag na lang muna natin ipuslit iyon sa loob ng bilangguan. Hanapan niyo na lang ng ibang buyer. Dapat na huwag mabakante ang ating negosyo."

Napabato ni Regor ang isang flower vase na nasa harapan niya dahil sa subrang galit at pagkadismaya. Malaking halaga ang katumbas ng transaksiyon na iyon kaya labis siyang naghihiyang. Malaking pera na sana nabulilyaso pa.

"G'ddmamit! Sino ang mga kababaihan na iyon? Humanda kayo kung ako ang binabangga ninyo, mabuti lang kung mga kaaway lang kayo ni General Cruz at kung hindi magdasal na kayo at tiyak na sasabog ang mga bungo ninyo sa oras na magkaharap na tayo. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko," galit na galit siya sa nangyari.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon