Chapter 39: Challenge the Spy?

183 14 0
                                    

NASA biyahe sina Scarlett at Ezekiel. Medyo malapit na sila sa hideout ng magtext si Amore na gusto niyang makita agad ang lalaki.

"Sino ba ang nagtext sayo?" kuryusong tanong ni Ezekiel.

"Ang pinuno namin. Bilisan na raw natin dahil may kailangan siya sa'yo," aniya.

"Okay," sagot nito saka binilisan ang pagmaneho.

After 15 minutes they finally arrived.

Agad na binuksan ng mga kasamahan niya ang gate at tumuloy sa loob ang kanilang saksayan at agad na pinarada sa may garahe.

Nakatitig ang lahat ng mga kasamahan niyang nagbabantay. Ang mga ito ay parang nangungusisa ang mga tinging binibitawan.

Alam niyang curious ang mga ito kung bakit may kasama siyang lalaki dahil sa pagkakaalam ng lahat bawal ang lalaki sa grupo nila.

"Mga kasama, alam kung nagtataka kayo kung bakit may kasama akong lalaki, huwag kayong mag-aalala kaibigan ko siya. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa inyo ang lahat," pakli niya saka ngumiti.

"Ah, ganun ba Jasmine? Naiintindihan namin. Sige na, siguro siya ang hinihintay ni Sapphire," sabat ng isa niyang kasamahan na pinutol nito bigla ang pagsasalita.

"Sige," tipid niyang sagot.

Umalis na sila at pumasok sa isang silid. Doon ang tanggapan nila ng bagong kasapi.

Pinihit ni Scarlett ang pintuan saka pumasok na agad.

Nakaupo sa swivel chair at nakatalikod ang babae ng madatnan nila.

"Siya na ba ang pinuno ninyo?" kuryusong tanong ni Ezekiel. Nagtaka siguro siya kung bakit may patalikod effect pa ito.

"Oo, sige, umupo ka muna. Iiwan muna kita dahil gusto ka niyang makausap ng sarilinan," sabi nito saka lumabas agad ng silid.

Tahimik na umupo si Ezekiel sa silya na inilaan para sa kaniya.

Gusto na talaga niya magsalita, nang magsalita ang babaeng nakatalikod.

"Ano ba ang totoong pakay mo bakit gusto mong sumanib sa grupo namin?" agad nitong tanong.

"Gusto ko nang magbagong buhay at gusto kong makasama si Scarlett," sagot niya sa tanong ng babae.

"Iyon lang ba? Ang babaw ng dahilan mo. Alam mo bang puwede ka naming patayin gayundin kung magiging spy ka lang laban sa amin. Hindi kami madaling nagtitiwala sa mga lalaki at maging sa tulad mo na isang kanang kamay ng isang demonyong si Regor," aniya.

"Magtiwala ka. Kaya ko kayong tulungan. Lahat ng alam ko tungkol sa kaniya ay sasabihin ko. Lahat-lahat alang-alang sa kagustuhan kong makasama si Scarlett. Hindi mo naman kailangan na magtiwala agad pero sisikapin kong pagkatiwalaan ninyo ako," paninigurado nito.

"Talaga ba? Anong nangyari sa'yo, bakit bigla mo na lang naisip na kumawala kina Regor? Maliban sa mga nasabi mo na?"

"Ayoko na sa mga ginagawa niya. Dati napilitan lang naman ako na magtrabaho sa kaniya dahil matindi ang mga pangangailangan ko noon. At mas galit ako sa kaniya nang binaril niya si Scarlett at nang akala ko namatay ito. Matagal na akong may gusto kay Scarlett pero hindi ko masabi ng diretso sa kaniya dahil hindi niya ako pinapansin."

"Are you confessing yourself right now, Ezekiel?" nakakatawang tanong ng babae sa kaniya.

"If it is, then I am," sagot nito sa babae.

"How brave you are, hindi mo pala alam na naririnig ang mga usapan natin sa mga intercom sa bawat silid dito? It's okay, personal matter naman iyon, 'di ba?"

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon