Chapter 30: Broken

225 12 0
                                    

NAKAPAGPASYA na si Amore na mamayang gabi ay aalis na siya ng isla.

Three months of hiding from Regor was finally over.

Wala na siyang maisip na ibang paraan kaya siya na mismo ang gagawa ng plano niyang paghihigante sa lalaki na sa palagay niya ay may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang ama.

Ngayong umaga ay tutungo siya sa bayan. Gusto muna niyang ipaalam kay Scarlett ang magiging desisyon niya. Papayag man ang kaibigan o hindi.

Nagbihis siya at nag-ayos para umalis upang kitain si Scarlett sa bayan.

Nakita naman siya ni Liam at nilapitan siya nito.

"Am, biglaan naman yata ang pag-alis mo, sa bayan ka ba pupunta?", tanong nito sa kanya ng lalaki.

"Oo, kikitain ko lang si Scarlett gusto ko siyang puntahan sa bahay nila. Bakit?"

"Wala naman, sige umalis ka na para maaga pa. May ipapabili sana ako sayo pwede lang ba?"

"Sure, pwede. Ano iyon?"

"Here, inilista ko nalang", wika nito saka iniabot ang isang maliit na piraso ng papel.

"Okay! Grabi talagang isinulat mo pa sa papel pwede mo namang sabihin agad," nakangising wika ni Amore.

"Nahihiya ako eh, kaya ko isinulat ko na lang sa papel" seryosong sagot naman nito sa babae.

"Sos, parang ewan to! Ito lang ba ang bibilhin ko?" tanong nito sa lalaki saka binasa ang naisulat ng lalaki sa papel. " Brief, sando, shades, shaver and boxer. Ito lang ba ang ipapabili mo?" bahagyang napangisi si Amore kaya tinakpan niya ang kanyang bibig ng isang kamay.

"Am, naman. Bakit mo pa kasi binasa ang mga ipapabili ko, baka may makarinig nakakahiya"

"Bakit ka naman mahihiya? Sige na nga, bibilhan kita ulit ng mga bagong damit. Ang mga bago mong damit kasi iyon lang ang niregalo ko noong birthday mo. Sige, alis na ako. Ikaw na ang bahala dito sa bahay at sa karenderya ha. Bye"

"Sige, bye. Ingat ka!"

Ngumiti lang si Amore at saka kumaway habang paalis na papalayo.

Napangiti na lang si Liam, hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Amore.

Sa kabilang dako, nakarating na si Amore sa bayan. Binigyan siya ni Scarlett ng address nito kaya mabilis lang niya nahanap ang bahay nila.

Nasa harapan na siya ng bahay nina Scarlett. Kumatok muna siya at mabilis naman siyang pinagbuksan ng isang mag edad na babae. Tiyak na ito na ang ina ni Scarlett na minsan na niya kinuwento sa kanya.

"Magandang araw po tita," nakangiting bati niya sa babae.

"Magandang araw din sa iyo magandang binibini", nakangiting tugon din nito sa kanya.

"Nandito ho ba si Scarlett?" agad niyang tanong. Hinahanap na niya agad ang kaibigan niya.

"Bakit anong kailangan mo sa kanya?"

"Dadalawin ko lang po siya sana dito dahil kaibigan niya po ako. Nandito ho ba siya?"

"Ah, siguro ikaw iyong naikuwento niya sakin. Sige, halika pasok ka. Tatawagin ko lang muna siya. Ayon kase panay ang kakatulog niya. Bumabawi siguro iyon"

Pinapasok na ng nanay ni Scarlett si Amore at saka pinaupo sa may sala.

Tinawag na nito ang babae na panay tulog lang daw ang ginagawa. Siguro bumabawi ito ng lakas. Hindi naman talaga siya nakakapagpahinga ng maayos kapag nasa Maynila at trabaho ang inaatupag niya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon