Chapter 25: Unexpected Meet up

222 14 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang umalis si Amore para pumunta ng bayan. Mamimili daw siya ng mga bagong kagamitan na kakailanganin sa pagluluto. Mas lumalaki na kasi ang kanilang karenderya kaya gusto niyang bumili ng mga bagong gamit at mga lulutuin. Tutal si Liam ngayon ang magluluto dahil nga natalo siya kahapon kaya nakahanap na siya ng tiyempo  na pumunta sa bayan at saka gusto rin niyang mangusyuso na rin ng mga balita.

Maraming signal sa bayan kaya naisipan niyang tawagan si Astra para kamustahin si Scarlett.

Sumakay siya sa kanyang yate. Dinala niya ito dahil balak na muna niya itong iwanan sa may kabilang pampang. Malapit ng matapos ang tatlong buwan na palugit niya para bumalik ulit ng Maynila. Kaya kailangan na niyang maghanda para sa kanyang pag-alis. Pero siguro mahihirapan siyang maka-alis dahil hindi siya papayagan ng kanyang Tiyo Gusting.

Nakarating na siya sa kabilang pampang at iniwan nga niya ang kanyang yate sa isa niyang sekretong katiwala. Pagkatapos ay pumanhik na siya papuntang bayan.

Ngayon kasalukuyan na siyang namimili ng mga gamit.

Tulad ng pan-disguise niya ay nakasuot na naman siya ng makapal na salamin para mag-iba ng kaunti ang kanyang mukha. Una siyang pumasok sa isang department store at doon na bumili ng mga kitchen utensils dahil mayroon naman palang complete set ng mga kagamitan.

Pagkatapos niyang namili ay pumunta na siya sa may supermarket. Malawak ang palengke pero dahil maraming mamimili ay talagang masikip ang mga daanan kaya kapag dumaan siya ay hindi maiiwasang may nakakabangga siyang kapwa  mamimili.  Hindi naman nagagalit iyong mababangga niya dahil siguro sanay naman sila sa ganuong sitwasyon.

Naghanap na lang siya ng hindi gaanong mataong lugar para hindi siya ma-suffocate.

Sa kanyang paglalakad ay hindi niya pa rin naiwasang makabangga ng babae yata iyon  hindi siya sigurado dahil nakasuot ito ng jacket na may hood kaya hindi siya sure sa kasarian nuon.

Napakunot bigla ang noo niya saka binalingan ang babaeng naglalakad papalayo.

"She looked familiar," wika niya saka dali-daling hinabol ang babae.

Natagalan pa siyang ma-corner iyon dahil sa maraming tao at hindi siya pwedeng tumakbo.

"Hey, miss kilala ba kita? Miss," tanong niya habang hinihingal pa. Napahawak pa nga siya sa kanyang dibdib dahil sa matinding hapo.

Nakayuko lang ang babae at hindi umimik. Parang pinag-aaralan nito ang kanyang ginagawa at maging ang kanyang boses.

"Miss. Tinatanong lang naman kita. Pamilyar ka kase sa'kin parang nakita na kita dati. Please, can you  take off your hoodie?" wika niya saka mataman na pinagmamasdan ang susunod na gagawin ng babae.

"Bakit? Anong kailangan mo?" wika nito. Sa wakas nagsalita na nga ito at totoong babae nga siya.

"Kasi, familiar ka nga sa'kin. Sige na. Baka kilala kita. I'm just curious lang naman. Siguro kung kilala mo ako kahit sa boses ko tiyak na hindi mo ako makakalimuta," sunod pang pahayag ni Amore.

"So, huwag mong sabihin na ikaw si—  Amore?" tanong ng babae.

Nagulat bigla si Amore sa kanyang narinig. Papaanong nakikilala siya nito sa totoo niyang pangalan. At dito pa mismo sa Cebu. Walang ni isang nakaka-alam sa totoo niyang pagkatao maliban kay Scarlett.

Kahit nag-aalinlangan siya ay sinagot niya ang tanong babae.

"Yes, I am," tipid niyang sagot.

Nagulat din ang babae kaya itinaas nito ang ulo niyang nakayuko at sinimulang ibaba ang hood ng kanyang jacket. Dahan-dahan ang pagbaba niya nito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon