Chapter 7: Green Minded?

363 17 0
                                    

Pasipol-sipol si Tiyo Gusting habang naglalagay ng karatula sa labas ng bahay niya, na nagkakarenderya na sila. Napa-alam na din naman niya ito sa mga kaibigan pero mas mainam na may makakita pa ng karatula, mas marami ang mahihikayat na bumili ng ulam. Sila pa lang ang naunang magkakarenderya sa kanila at hangad niyang magiging successful itong negosyo na sisimulan nila.

Nilinis niya rin ang mga paligid ng kubo, hindi lang naman ito maliit na kagaya sa nakikita natin. Malaki ito at kasya ang 10 tao. Nilagyan niya rin ng mga upuan sa loob. Dito na lang niya muna naisipan na papasukin ang mga kakain. Bukas gagawa na lang siguro sila ni Liam ng bago para mas marami ang mga makakakain.

"Ayos na ang lahat. Hmmm, mabi-believe talaga sa 'kin sina Amie at Yam. Siguro ni enjoy jud silang duwa sa isla. Nindot baya ang isla, siguro nag-okay na silang duwa. Maayo gani kun mao ana. Hay naku! Naunsa siguro silang duwa nga murag iro og iring man kanus-a, nya kanus-a sweet man kaayo. Hays kalagot oy!"usal ni Gusting.

Nasabi lamang ni Tiyo Gusting dahil sa kanyang napuna kina Amore at Liam. May nahahalata na ba kaya siya? O Wala pa?

"Tao po! Gusting, aba na-a nakay karenderya dinhi? Papapalita 'sa ko bi. Maganda naman talaga ang may karenderya na dito, tiyak na maraming bibili. Mabuti at ipapagsasabi ko na meron na dito para dadagsa ang tao rito,"anang kapitbahay nila.

"Ay. Oo, mayra gani ni nga e negosyo. Anong ulam ang bibilhin mo?"

"Ito lang oh,"sabay turo sa gusto niyang ulam.

"Paano mo pala nalaman na nagkakarenderya na kami ngayon?"

"Sos, sa asawa ko, siya nga ang nag-utos sa'kin na bumili. Siya nga pala, kanino 'tong negosyo? Sayo ba o kay Amie?"

"Ah, kay Amie 'to. Sinabihan ko kasi siyang huwag nang bumalik sa Maynila at dumito na lang dahil alam mo namang napakasalimuot ng pamumuhay roon. Mas mabuti na dito sa isla kahit papaanong paraan tiyak na mabubuhay ka talaga."

"Ay, oo nga. Tama ka diyan Gusting. Ang anak kong si Lita ay gusto talaga makapunta roon, ewan ko kung ano ang kanyang nakita roon, sabi niya kasi mabilis daw ang pera roon. Naku talaga. Napagsabihan ko na eh ayaw pa rin makinig."

"Ha? Ay sos, huwag mo nang payagan. Napakadelikado roon. Dito na lang siya magtrabaho, pwede naman siyang makatulong kay Amie. Sasahuran siya ng pamangkin ko kapag nalaman niya ito. Dito na lang siya. Magandang bata pa naman iyan."

"Sige. Sasabihin ko sa kaniya na dito na lang magtrabaho sa inyo."

"O siya sige. Mabuti nang may kasama rito sa bahay si Amie sa tuwing pumapalaot kami ng kanyang asawa ng sa gayun ay hindi na maiinip at pangarapin ulit na bumalik ng Maynila."

Pagkatapos ng usapan nila ay tumalikod na rin ang kanyang kapitbahay.

Marami ang mga naging customer ni Gusting ng umagang iyon. Halos hindi siya makakuha ng tiyempo na makaupo man lang dahil marami talaga ang bumibili at kumakain. Siya na ang taga-hugas ng pinggan at naging serbidor ng pagkain.

Gusto man niyang umupo pero hindi pwede. Nananakit na ang kanyang binti at likod. Bakit pa kasi niya pina-alis ang dalawa ayan tuloy siya ang nagkakandakuba sa trabaho niya? Mabuti sana kung naririto na ang dalawa.

Hindi pa siguro naisipan ng dalawa na bumalik na sa bahay nila mula roon sa isla na pinuntahan nilang dalawa.
Heto na naman parating ang mga grupo ng mga mangingisda. Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo, tatayo na naman at magsi-serve ng mga pagkain. Gusto niya ng negosyo kaya wala siyang ibang choice kundi ang magtrabaho para kumita mula rito.

"Hay naku. Naunsa naman to silang darwa oy. Hindi na talaga naawa sa'kin, ako pa itong matanda ako pa ang nagtatrabaho rito. Sige na lang total ako ang nag-isip nitong negosyo at ako na rin ang nagsimula kakayanin ko na lang ito,"usal na naman niya. Gustong magreklamo pero no choice talaga.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon