Chapter 49: Beachy b*tch

160 14 0
                                    

"DARLING, what happened to you?" Pakunwaring concern si Maripusa sa kay Regor. Hinagod-hagod pa nito ang likod ng lalaki. Subrang galit na galit ito dahil sa sunod-sunod na kamalasan.Pumunta kasi siya sa Alpha Mouhiere para makisimpatya sa lalaki. As planned kailangan na maging natural ang lahat. Nadatnan niyang nanghahampas ng mga gamit ang lalaki dahil sa galit.

Kahapun lang ay nakikisaya siya pero ngayon ito na. Puno siya ng problema.

Matagumpay na napabagsak ng mga Omare Corps at mga pulisya ang mga illegal na negosyo nito. Pero hindi pa rin ito makukulong dahil sa ibang personalidad niya ipinangalan ang mga illegal niyang negosyo. Mautak talaga ang lalaki.

Wala ring kumanta na ni isa. Siguro natatakot iyon sa kanya.

"Nothing Darling. May kaunting problema lang."

Kaunting problema lang daw pero halos mawala siya sa sarili niya. Lahat ng mga illegal niyang negosyo ay timbog. Parang bihusan ito ng malamig na tubig. Walang-wala na ito.

Lumapit si Maripusa sa kanya. Niyakap niya ito mula sa likod. "Na. Then, we are going to go somewhere to ease your anger. Mamasyal tayo."

"Thank you. Maasahan ka talaga. I think magbe-beach tayo sa Batangas. May resort ako doon. Sa yuma-ong ama ko iyon." Suhestiyon pa nito.

"Sure I've love to. Wow. But magpa-pack up muna ako ng gamit ha. Just wait for me. Okay. Mga ilang araw ba tayo doon?" Pakunwaring excited ito.

"No need to spend for many days. One day is enough. May business meeting ako sa US bukas. I hope it's okay for you?"

"Sure. Basta ikaw Darling"

Napakuyom ang mga kamay ni Maripusa dahil sa galit. "What? Pupuntang U.S? OMG. Paano kita mapapakulong nito? Kahit anong gawin ko wala akong magawa," sabi pa nito sa isipan niya. Talagang masuwerte si Regor dahil nakiki-ayon sa kanya ang panahon.

"Are you okay?"

Pinakalma ang sarili saka nagsalita. "I'm fine but why you didn't tell me earlier. I will miss you so much," pagda-drama niya. Pero sa loob- loob nito ay parang gusto na niya itong patayin. Kung papatayin niya ngayon pa lang ay pwede niyang gawin pero hindi pwede. Gusto niya munang nalaman ang kinalaman ng lalaki sa pagkamatay ng ama.

"Hindi ako magtatagal sa US. One week lang siguro ako doon."

Nalungkot ang mukha nito. "Okay. Pero as I heard from the news yesterday you are involved in a syndicate and a lot of cases are filed against you because of illegal businesses and illegal drugs. Baka ginagawa mo lang itong excuse. Is it true? Tell me. Kung hindi naman totoo I will never judge you, Darling," pag-uungkat nito. Nakita niyang nagalit ang lalaki sa sinabi niya pero nagtimpi. Palihim siyang napangiti.

"It's not true. I have a lot of legal businesses in the country so don't believe them. They only want to ruin my image in the public."

"Bakit ayaw mo pa i-admit. Buwesit ka. Anong gagawin mo doon sa U.S? Huwag mong sabihin na may balak ka sa mga ari-arian na nandoon? I need to contact Liam. Hindi pwede 'to" sabi ng utak niya. Napakuyom niya ulit ang kamay sa galit.

"Are you okay?"

"Ah. Of course I'm fine."

"Don't think negative against me. Walang katotohanan ang mga pinalabas sa balita. Let's go para makakabalik tayo later before sunset." Iginiya na siya nito sa kotse nito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon