Chapter 8: Trying to Escape

349 16 0
                                    

SINUBUKAN ni Dindo na makatakas mula sa mga dumukot sa kanya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makapuslit ng nagsilabasan ang mga bantay.Sa isip niya baka mga tauhan ito ni Regor kaya kinakailangang makatakas siya, di siya pwedeng mamamatay ng walang kalaban-laban.

Dali-dali siyang lumabas at nagmanman sa paligid. Nasa labas at nagsikalat ang mga bantay kaya nagtago muna siya sa isang madilim na sulok.

Malaki ang pagkagulat niya at muntik na siyang mapasigaw ng may biglang humawak sa balikat niya. Kinabahan siya at alam niyang isa ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya.

Kung minalas ka nga naman, di pa niya nagagawang tumakas ay nahuli na kaagad siya ng isa sa mga bantay niya.

Dahan-dahan niya itong nilingon. Bahagya siyang namutla sa subrang kaba. Naisip niya na baka papatayin siya nito kaagad dahil sa ginawa niya.

Nang makaharap na siya labis ang pagkataka niya, ang babae ay nakasuot ng maskara. Natitiyak niyang isa talaga ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya. Nakatakip ang mga mukha nito at pawang nakaitim ang mga suot kagaya nitong nasa harapan niya ngayon.

"Bakit ka nga pala nandito? Tatakas ka ano?"wika nito. Maliit ang boses nito pero maganda pakinggan, sa palagay niya maganda rin ang mukha nito sa likod ng maskara nitong suot.

"Sino ka? Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya rito. Pilit pinapakalma ang sarili. Sinusupil ang pangangatog ng kanyang mga tuhod, sa mga medical surgeries niyang ginawa kahit agaw buhay ang mga pasyente ay hindi siya natakot. Pero sa babaeng ito, nanghina ang systema niya.

"Well, secret. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino ako."

"Bakit?"

"For my identity protection.Nice to meet you Doctor Dindo Ruiz, dati sa balita lang kita nakikita.Sikat ka nga pa lang surgeon."

"I know, I am," sagot niya. May tapang ang tuno.

"Well, that's good. Pwede ka naming mapapakinabangan hanggang nandito ka sa hideout."

"Speaking of? Ano ba talaga ang pakay niyo sa akin?"

"So far, wala."

"Wala naman pala eh, kaya pakawalan niyo ako. Marami ang nangangailangan ng serbisyo ko sa hospital."

"Wala kaming magagawa, kailangan lang namin na protektahan ka."

"Maawa kayo sa'kin, wala akong kasalanan sa inyo. I'm just an ordinary doctor at alam kung wala akong kaaway,"paliwanag niya. Nagmamaka-awa siya sa babaeng nasa harapan niya, baka mapagbigyan siya pero sa nakikita niya wala itong balak na payagan siya.

"So far, wala ka namang kasalanan. Bumalik ka na lang sa kwarto na pinaglagyan nila sayo. Sumunod ka nang matiwasay kung ayaw mong iputok ko sa ulo mo ang hawak kong baril,"wika ng babae habang tinututukan ng baril si Dindo. Napilitan itong daanin siya sa ganitong paraan para sumunod siya sa kagustuhan nito

Dahil nakaramdam ulit siya ng takot, agad siyang tumalima sa utos ng nakamaskarang babae. Mahal niya ang kanyang buhay, pamilya at kasintahang si Britney. Ayaw pa niyang mamatay ng walang kalaban-laban at gusto niyang itama ang kaisa-isahang kamalian na nagawa sa tanang buhay niya.

Nakarating na sila sa kuwarto na pinaglagyan sa kanya. Pinaupo siya ng babae sa silya na naroroon.
Nakatayo naman sa harapan niya ang babae at nakangiti. Makikita ang mga labi nitong likas na mapupula.

"Sino ka ba? Sino ba kayo? Bakit ba kayo nagsusuot ng mga maskara at takip sa mga mukha ninyo? Bakit?" Nakita niyang nadismaya ang babae sa paulit-ulit niyang tanong.

"Just call me Jasmine, iyan ang code name ko. Kung gusto mong makita ang mga mukha namin hindi maaari. Bawat nandirito na mga kasamahan ko ay may kani-kaniyang code name. At ang pinakapinuno namin ay si Sapphire. Sa ngayon hindi mo pa siya makikita rito. Nasa bakasyon siya ngayon,"paliwanag nito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon