Chapter 58: She's safe

169 14 1
                                    

NAKARATAY sa isang malaking kama ang walang malay na babaeng sugatan. Mga ilang araw na itong natutulog at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikitaan ng senyales na maaari na itong magising ano mang oras.

Kakabalik lang ng lalaking tumulong dito galing sa bilihan ng gamot. Nag-hire na rin ito ng private doctor para gumamot sa babae.

"Doc, kamusta ang pinapagamot ko sayo? Kamusta na ang kalagayan niya?" concerned na tanong nito.

"She's in good hands. The operation is successful. Don't worry she's now in the stable condition." Pahayag ng doctor matapos e-check ang babae.

"Salamat. Pero bakit hindi pa siya nagigising?"puno ng pag-alalang usisa nito.

"Dahil iyan sa dami ng tama ng baril na natamo niya. Saka maliban sa tama niya sa katawan nakatama rin ang ulo niya sa matigas na bagay. I gave her high dose of medicine but don't worry hindi maka-apekto sa kanya." Paliwanag ng doctor.

"Oh God, sige doc. Thank you."

Tumango ang doctor saka lumabas na ng silid. Naiwan ang lalaki sa silid.

Mataman niya itong pinagmasdan. Malungkot ito subra dahil sa nakikitang kalagayan ng babae. Sino ba naman ang hindi maaawa kung makita mo ang isang taong nag-aagaw buhay sa harapan mo. Masuwerte ito at hindi tuluyang namatay. Isang milagro ang nangyari.

"Sana gumaling ka na. I can't help not to blame myself if may mangyari na masama sayo," wika pa nito. Napahilamos pa ito saka tumayo. Bumuga ng hangin saka humakbang papuntang pintuan.

Lumabas na rin ito ng kuwarto. Tumungo sa labas at lumanghap ng hangin.

Tumunog ang cellphone nito. Tumatawag ang kaibigan niya.

"Hello, may update na ba kayo sa iniutos ko? Nahanap niyo na ba siya?"

"Kapag hanap lang ay mahahanap namin siya pero wala kaming matibay na ebedinsya para idiin siya sa kaso. Pinag-aaralan ko pa ang paghuli sa kanya. Mga tatlong buwan siguro lahat ng baho niya ang kakalkalin ko saan man iyon hahanapin. Pero sa ngayong diyan ka muna. It's safe to be there in the province."

"Okay, sige. Hindi pa ba dapat ang ibinigay ko sayong ebidensya para makulong siya?"

"I think hindi pa rin sasapat. Kulang ng witness. Kapag nandiyan an ang witness noon ay magagawa na natin na ipakulong ang tarantadong iyon."

"Sige, Marco. Salamat. It's nice to be here in your place. Malayo sa mga tao. Iisang kapitbahay lang at maasahan pa. Binibigyan pa ako ng mga gulay at prutas."

"Mabait talaga si Tatang. Siya ang sinabi kong pangalawang ama ko diyan."

"Ah, oo I remember na. Just call me as soon as matibay na kayong ebidensya. Ako rin mismo ay maghahanap, papakilusin ko rin ang mga tauhan ko."

"Ow? Nag-improve ka na ah. Dati ayaw mong ma-involve sa ganuon pero ngayon ay sinusubukan mo na. Huwag kang maging sindikato ha dahil ako ang makakalaban mo," biro ng kausap niya. Hindi naman niya iyon gagawin.

"Hindi. Hindi ako tutulad sa kanya."

"Wait, kamusta na siya?" Tukoy nito sa babaeng wala pa ring malay.

"She's safe but until now she's not awake."

"Okay. She'll be fine. Sige. Bye."

"Bye."

Nakita niyang papalapit ang doctor na in-i-hire niya.

"Sir, can I go now? She's fine. Besides kailangan na ako sa bayan. Just call me if may problema. Ang mga gamot na pinabili ko sayo ay sapat na iyon for one week. Sige, I'll go first."

"Sige, doc. Salamat."

"Walang-anuman." Naglakad na ito papuntang kotse niya. Sumakay at umalis na.

Maasahan talaga ang mga taga-rito. Likas na mga matutulungin at mapagkatiwalaan.

Nang makita ni Tatang na umalis ang kotse ng doctor ay pumaroon siya sa bahay ni Marco na nilalagian ng lalaki.

"Hansam, may dala akong gulay at prutas. Ito oh," wika nito habang but it ang basket na pinaglalagyan.

"Ay salamat Tatang. Sandali at ilalagay ko sa loob. Hintayin niyo po ako ha."

"Sige." Naupo na ito sa may upuan sa may harap ng bahay.

Bumalik agad ang lalaking tinatawag nitong Hansam. Ibig niyang sabihin ay "handsome."

"Heto na po. Maraming salamat talaga, Tatang. Ang bait mo."

"Asus. Wala iyon. Na miss ko kasi si Marco simula ng mag-police at ma-assign sa Maynila ay madalang na lang na mauwi rito. At ngayong nandito ka ay nakikita ko siya sayo. Pareho kayong hansam."

"Aba! Handsome talaga? Well, guwapo talaga iyang kaibigan ko. Masipag at dedicated sa trabaho. Simula ng magkakilala kami niyan ay naging malapit na kami sa isa't-isa."

"Oo nga. Sayang at ulila na sa magulang."

"Bakit po ba siya naulila? Hindi niya iya naikuwento ng detalyado. Baka may alam kayo."

"Oo may alam ako. Mga sampung taon siya ng mamatay ang magulang niya. May nagtanim ng bomba sa kotse ng mga ito. Papuntang US sana ang mga ito pero hindi na umabot. Nawasak talaga ang kotse. Simula noon ay ako na ang nagpalaki sa kanya. Dati nila akong Driver kaya malapit kami sa isa't-isa. Nang mamatay mga magulang niya ay dinala ko siya rito. Sa kanila na talaga itong bahay na ito bata pa lang siya. Dito sila tumutuloy kapag bakasyon. Maganda ang hacienda nila dito pero ng mamatay ang mga magulang niya ay ibininta na lang niya sa kakilala ng Ama niya. Itong bahay na lang ang naiwan sa kanya."

"Ah, ganun ba? Ang lungkot-lungkot din pala ng buhay niya. I feel him."

"Bakit kayo nakatira sa kabila? Bakit hindi dito sa bahay niya mismo?"

"Pareho kaming kapwa pinapahalagahan ang bahay namin. Ang bahay ko ay siyang ala-ala ko sa asawa ko. Kahit na pinilit na niya akong dito tumira para may magbantay ng bahay ay hindi ko tinanggap. Mas naisin kong tumira sa sira-sira kung bahay."

"Oo nga naman Tatang. Wala ng sasaya sa tuwing maalala mo ang mga bagay na galing na kanilang ala-ala." Medyo naging emosyonal ito bigla.

"Huwag kang umiyak. Siguro ang mga nangyayari sa buhay natin ay may dahilan kaya kahit masakit ay dapat na lang tanggapin ng bukal sa kalooban natin. Ay tika lang, kanina ang saya natin ngayon ay biglaang naging malungkot. Tama na iyan. Bawal ang umiiyak dito."

"Oo nga. Dito na po kayo maghapunan mamaya. Magluluto ako. Masarap akong magluto Tatang."

"Sige. Ay tika lang bago ako aalis. Kamusta na siya? Nagkamalay na ba?" concerned na tanong nito.

Malungkot uli ang mukha nito. "Ah, stable na siya pero hindi pa nagigising. Baka bukas. Mataas kasi ang dosage ng gamot ang binigay ni Doc Samuel sa kanya."

"Ganun ba? Huwag kang mag-alala. Magiging okay din siya. Buti na lang at nahanap mo siya kaagad."

"Oo nga po."

"Sige. Uuwi muna ako. Didiligan ko pa mga gulay ko at mga halaman. Papakainin mga alaga kong manok at baboy. Kapag magising na si ganda ay magluluto tayo ng native chicken. Masarap iyon. Magugustuhan niya talaga."

"Sige po."

Tumalikod na ang matanda. Napangiti siyang pumasok ng bahay. Bumalik siya sa kuwarto ng babae saka mataman na niya itong pinagmamasdan. Naluha siya pero agad niyang pinalis ang mga butil ng luha sa mata niya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon