Chapter 42: He's freakin out

174 13 0
                                    


NAPAUNAT si Dindo ng magising siya. Napasarap siya ng tulog. He feels so very comfortable to be in the house of Astra.

Lumabas na siya and he's freakin out. Nagluto ba kamu?

Ang guwapo niya tingnan habang nakasuot ng apron. Nagmukha tuloy siyang Chef at hindi doctor.

"Yeah, hmm. It so delicious," puri nito sa nilutong ulam.

Magaling naman pala magluto ang lalaki bukod sa egg omelette na niluto niya ay nagluto siya ng adobong manok na nilagyan ng coke.

Naamoy ni Astra ang niluluto ni Dindo kaya napamulat siya agad ng mga mata at natakam.

The breakfast is all ready.

Kinatok  ni Dindo ang pintuan ni Astra para tawagin ito.

Hindi naman agad siya pinagbuksan ng babae.

Sa likod ng pinto ay inamoy-amoy muna ni Astra ang hininga baka bad breath siya. Ayaw niyang mapahiya sa lalaki.

Nang matantong hindi mabaho ang hininga niya ay saka niya pinagbuksan ng pinto ang lalaki.

Nagulat pa siya ng makitang nakangisi lang ang lalaki kahit matagal niya itong pinagbuksan.

"Why are you staring me like that? May dumi ba sa mukha ko?" she asked.

"Nothing, I've just noticed that even you're just wakin' up, your still beautiful," he answered with a smirk.

"Tse. I need to eat. Bawal sa'kin mga ganiyang pasaring."

Agad na kinuhanan siya ni Dindo ng upuan na katapat ng upuan nito.

Kumuha ng pinggan si Astra at nagsalin ng pagkain at walang prenong kumain.

Gutom lang talaga siya. Kanina pa siya natatakam sa niluluto ni Dindo kaya para sa kanya this is it.

"Hey, hinay-hinay lang. Baka mabulunan ka."

"Sanay na ako sa ganitong paraan ng pagkain,"  sagot niya saka sumubo ulit ng pagkain.

Hindi niya maikaila na ngayon lang ulit siya nakakain ng lutong bahay.

Puro na lang kasi siya instant noodles at sa lahat ng instant na lang nakasalalay ang buhay niya.

Ngayon lang siya nakatikim ng masarap na lutong bahay kaya ititudo na niya.

Kung hindi lang siya naging busy sa mga trabaho sa Omare Corps ay hindi naman niya napapabayaan ang kalusugan maging ang sarili niya.

Hindi bala ang papatay sa kanya kundi ang mga chemicals sa loob ng katawan niya na makukuha niya sa mga instant foods.

Pinapanood lang siya ni Dindo habang kumakain.

Panay pa rin ang kain niya. Hindi niya alintana na nakatatlong pinggan na siya ng nakain.

Napapadighay pa siya. Inabutan naman siya ni Dindo ng tubig saka pagkatapos ay huminto na siya sa pagkain.

Nabusog na siya.

"So, what's next? Tapos na akong kumain. Ihahatid na ba kita sa Hospital na pinagtatrabahuan mo sir?" Umangat na siya ng ulo.

"Ah-ah, mamaya na. Hindi ka pa nga natutunawan ng mga kinain mo. Wala naman akong operation ngayon. I think I'm gonna stay here," nakangising wika nito.

"What? Are you crazy? Minsan na kita pinagbigyan ah, sumusubra ka naman yata, sir?"

"Stop calling me, sir, napaka-formal at ang badoy," saway niya.

"Eh, ano naman ang itatawag ko sayo, Doc?"

"Argh, at mas ayaw ko iyang marinig galing sa'yo.  Just call me my name."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon