Chapter 28: Having Fun

206 14 0
                                    

     

        PUMUNTA ng club si Regor nang matantong wala namang kumanta sa kanyang mga tauhan na nahuli sa  tatlong kasabay na buy bust operation. Hindi siya itinumbok ng kahit sinuman, siguro natatakot ang mga iyon na magsalita na siya ang kanilang pinuno dahil sa oras na magsalita ang mga iyon ay patay pa rin naman sila. At masaklap madadamay ang kanilang mga pamilya.

Gusto muna niyang mag-relax doon. Kumuha siya ng private room para walang may makakakita sa kanya na mga parak.  Tum-table siya ng mga bayarang babae at umorder ng mga mamahaling alak.

Ganito ang palagi niyang ginagawa. Nagpapakalasing ng husto para makalimutan ang lahat ng problema niya. Kailan lang ba siya hindi nagkaroon ng problema?

Pumasok na ang dalawang babae at nagsilapit na ang mga ito  sa kanya. Mga sexy ang mga ito. Magaganda at matitipuno pa ang mga katawan tanda na hindi pa masyadong gamit.

Unang lumapit ang isa at umupo sa harap ni Regor. Ang isa naman ay sa tabi niya umupo.

Enjoy na enjoy naman si Regor sa ginagawa ng dalawang babae. Nasa private room naman sila kaya walang may makakakita sa kahit anong gawin  niya sa mga ito.

Agad niyang sinunggaban ng halik ang babaeng nasa harapan niya.  Saka ang ikalawang babae naman ay basta na lang niya itong hinimas nang hinamas ang mga hita nito.

Hindi naman iyon umangal pa. Parang gustong-gusto din naman ng babae ang ginagawa niya.

"Sir, just wait for a while. Uminom na lang muna tayo huwag na muna iyang iniisip mong gawin sir. Mamaya na iyan dahil talagang bubusugin ka namin  sa saya at kiliti," wika ng babaeng hinahalik-halikan ni Regor.

"True sir, mamaya na lang  iyan. Let's drink first," sabat ng ikalawang babae.

"Sure. Sige mamaya na. Hindi pa naman sana ako makakapaghintay na mahawakan at makita iyang mga perlas ninyong dalawa," nakangising wika ni Regor. Tumawa lang din naman ang dalawang babae. Manyak talaga.

Nagkatinginan naman ang dalawang babae nang makita nilang  lumagok nang husto ang lalaki ng alak.

"Hey, anong ibig sabihin ng mga patitinginan ninyong dalawa?" tanong ni Regor sa dalawang babae ng mapansin na nagtitinginan ang mga ito.

" Nothing sir," sabay na sagot ng dalawa.

"Sir, please excuse me for a while lalabas lang po ako. Si Briana na muna ang bahala na magpasaya sa inyo. Tinatawag ako ng boss namin. Nag-text siya sa'kin," tumayo na ang babae. "Just enjoy,"  wika ulit ng babae saka lumabas na. Hindi na siya napigilan ni Regor.

"Saan siya pupunta? Bakit ba siya sumama pa sa'yo kung aalis lang din naman siya. Type ko pa naman siya dahil parang hindi pa gamit. Maganda at ang sexy niya,"  wika ni Regor habang nakangisi.

"Sorry sir, hindi siya tumi-table ng customer. Siya kasi ang aming singer dito sa club. Sinamahan lang niya ako kanina. Kaya nga umupo lang siya sa tabi mo. Ako na lang ang bahala na magpapasaya sa'yo," maarteng wika ng babae sa kanya.

Pagkasabi niyon ng babae ay sinunggaban ulit siya ni Regor ng halik.

Medyo lasing na ito kaya parang wala na ito sa sariling pinaghahalikan ang babae.

Dahil nakasuot ito ng spaghetti at maikling palda ay mabilis na  natanggal lahat ni Regor ang saplot nitong babae.

Wala na itong saplot kaya pinaghahalikan niya ito ng mariin. Sinasabayan din naman siya ng babae sa kung ano ang ginagawa niya. Napapaungol pa ito sa tuwing hinahalikan siya ni Regor sa labi at hinihimas ang kanyang katawan pababa sa gitna ng kanyang hita.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon