Chapter 33: Second Mission

203 10 0
                                    

NASA Halimuyak Clubhouse na naman si Regor. Dito na siya ngayon tumatambay dahil nadala na siya doon sa unang tambayan niyang club at dito na niya ngayon gustong pumunta. Lalo na't may bago na naman siyang natitipuhang babae.

Humanga siya sa ganda ng hubog ng katawan ni Maripusa at hindi siya titigil na makalapit sa babae para makuha niya ang kanyang ninanais.

Lahat nang gusto niya ay gusto niyang makuha at mapasakanya kaya ngayon ay wala na siyang sasayanging panahon para maisakatuparan niya ang plano niya.

Pero paano kaya niya makukuha si Maripusa? Kung siya lang naman pala ang gusto nitong paikutin sa mga palad nito. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magtatagumpay?

Nakaupo sa may harapan ng stage si Regor ito ang kinuha niyang mesa para malapit kapag nagsimula nang sumayaw sa stage si Maripusa.

Nag-order na siya ng iinuming alak at paunti-unti niyang linagok ito habang naghihintay sa babaeng lumabas na nang stage.

Napangisi ito kahit wala pang imahe ng babae na nakikita.

Nakita niyang unti-unting dumarami ang mga tao sa loob ng club na indikasyon na malapit na lumabas si Maripusa para sumayaw sa stage.

Malakas ang naging palakpakan ng umusok bigla ang stage at unti-unting lumalabas ang mga magagandang binibini. Sunod ay ang pinakahuling lumabas ay si Maripusa na nakasuot ng skin tone na damit na akala mo ay wala siyang saplot.

Nagniningning ang mga mata ni Regor habang pinapanood ang ganap sa itaas ng entablado.

Nagpalakpakan ang mga kalalakihan na nandodoon sa bar.

Sino ba kasi ang hindi makukuha ang pansin? Ang ganda ng hubog ng katawan nito, sa balakang palang ay sulit na tingnan sa dibdib ay ganun din. Saan ka pa ba makakahanap ng ganuong ka sexy na babae? Edi sa harap na nila mismo.

Sumayaw ito at naglaro ng mga exhibition sa itaas ng pole.

Napatayo na si Regor sa kinauupan nito dahil aliw na aliw siya sa ginagawa ng babae.

Bumaba na ito sa pole at sumasayaw papunta sa kanyang mesa. Nagpagiling-giling pa ng balakang sa harap ng mesa ni Regor sunod itinapak nito ang kaliwang paa sa mesa ng lalaki.

Napalunok naman si Regor sa subrang pagkamangha.

"Hi, handsome, miss me?" pabulong na wika ng babae sa kanya.

"Yeah, I miss you beautiful," pabulong din nitong sagot.

"Miss, dito ka naman samin sumayaw oh, unfair na sa kanya lang. Pareho naman kaming nagbabayad ah," sigaw ng mga kalalakihan sa di kalayuan ng mesa ni Regor.

Nginitian ito ni Maripusa at binalingan ulit si Regor.

"Handsome, just wait for a while. I'll be back soon," wika nito saka nag-flying kiss sa kanya.

Sinalo naman iyon ni Regor at nag-flying kiss din sa babae.

Sinalo din ng babae at ngumiti.

"I like you Maripusa and I want you to be mine," usal niya saka nagkiller smile.

Si Maripusa naman ay sumayaw sa harapan ng mga kalalakihan na tumawag sa kanya.

Tuwang-tuwa naman ang mga iyon. Mga lango na pala sa alak ang mga iyon.

"Sige pa Miss, sumayaw ka pa," sabi nitong isa sa kanya.

"Sure!" sagot nito saka sumayaw at saka unti-unti nang bumabalik sa may mesa ni Regor.

Nakangisi na naman ito ulit sa kanya.

"Wow, you're really amazing Maripusa. Can I ask your permission to go to somewhere after the show?" sabi ni Regor sa kanya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon