Chapter 26: 2nd Practice

230 17 0
                                    

    KASALUKUYANG nasa gym sina Dindo at Astra. Ngayon ang ikalawang beses na tuturuan niya ng self-defense ang lalaki.

Nagwarm-up muna silang dalawa, mainam upang maiwasan ni  Dindo na magkaroon ng muscle pains mamaya pagkatapos ng practice nilang gagawin.

Hindi pa nga sila nakapagsimula ng mag-eensayo pero tagaktak na ang mga pawis ni Dindo. Siguro kinakabahan na naman ito pero kagaya ng ipinangako niya kay Astra na hindi na siya magsisinuplado at magrereklamo kahit minsan kaya mas minabuti niyang manahimik na lang.

"Heto ang tuwalya magpunas ka muna ng pawis mo. Kinakabahan ka yata, no? Siya nga pala ang sulat na ipinabigay mo sa pamilya mo ay may tugon na. Mamaya ko na lang ibibigay pagkatapos nating mag-ensanyo," saad ni Astra saka pumanhik palabas ng gym.

"Saan na naman siya pupunta? Kukunin na ba niya ang sulat galing sa parents ko pero kanina lang sinabi niyang mamaya na daw niya ibibigay," usal niya habang nagpupunas ng pawis.

Lumabas lang saglit si Astra dahil may tumatawag sa kanyang cell phone. Siguro importanteng tawag ito kaya kinakailangan talaga niyang sagutin.

Pagkatapos nitong sagutin ang importanteng tawag ay agad na itong bumalik. Seryoso ang mukha nito kaya ng lapitan niya si Dindo ay hindi inaasahan na mapalunok ang lalaki. Natakot siguro ito sa aura niya.

"Are you okay, Dindo? Baka ayaw mo nang ipagpatuloy pa natin ang pag-i-ensayo at uuwi na lang tayo?" tanong nito sa kanya na may pangungutyang tuno.

"I'm fine! Alright, let's start.  Ano ang una nating pag-praktisan ha?"

"Mga basic lang muna. Simula sa boxing hanggang sa basic steps ng judo at taekwando. Sa susunod na session na naman ang disarming at mga new tactics para makailang at makawala sa kaaway," paliwanag niya sa lalaki. 

"Wow. Exciting pala 'to. So, anong uunahin nating pagsasanayan sa mga basic?"

"Mga basic na physical activities, indoor lang muna tayo ngayon dahil masyadong mainit na sa labas. Una, ay dapat na magpapalakas ka muna ng mga muscles mo sa braso, sa hita at maging sa binti. Pangalawa, ay magkakaroon din tayo ng mga curl ups at iba pang indoor activities.  Kailangan din nang jogging para mahasa at lumakas ang cardiovascular endurance mo, pero nagawa na natin iyan kanina sa warm-up kaya ang boxing ang mas mainam na gawin natin ngayon. Ang boxing ay mainam na sports na huhubog sa iyong endurance, flexibility, speed at iba pa. Mainam  kase na mas mahubog mo pa ang iyong  katawan para kung sisimulan na natin ang pag-i-ensayo ng martial arts ay hindi na masyadong manibago ang katawan mo," paliwanag niya sa lalaki. Ang dami niyang sinabi. Hindi naman niya tiyak kung naintindihan lahat iyon ni Dindo.

Nakangisi lang si Dindo habang nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya. Parang gusto nga niyang kutusan para huminto sa kakatingin sa kanya.

"Isuot mo na ang mga gloves mo, huwag kang tatawa-tawa lang diyan," sabi sa kanya ni Astra ng mapansin na wala itong pokus sa sinasabi niya kanina kundi siya lang ang tinititigan ng lalaki.

"Sure. Basic steps lang naman pala muna. Sige isusuot ko na 'tong gloves ko. Sige, sisimulan ko nang mag-boxing. Siguro kahit na tayo na lang magsparing pwede naman di ba?" panghahamon ni Dindo sa babae.

"Sige. Tingnan lang natin mamaya kung hanggan saan lang ang makakaya mo? Talagang minamaliit mo lang ang mga basic ha?" medyo sarcastic na wika ni Astra sa kanya. 

"Really?"

"Huwag mo na akong hamunin. Baka matamaan pa kita at magkaroon ka ng black-eye. Diyan ka na lang mag-practice sa punching bag dahil hindi naman iyan gaganti kung makailang beses mo pang bugbugin," dagdag pa nito saka umismid.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon