Chapter 36: Officially yours

203 15 0
                                    

GAYA ng pinag-usapan nina Regor at Mariposa ay nagkita nga sila sa MS Mall. Galanti si Regor kaya niyaya siya nito na kumain, manood ng sine at binilhan pa siya ng mga bagong gamit. 

Sino nga ba siya para tumanggi kung plano naman talaga niya na huthutan ang lalaki? Uubusin niya lahat ng puwede niyang makuha.

"Mariposa, alin dito ang gusto mong bag?" tanong ni Regor sa babae habang itinuturo ang mga magagandang bag. "Here, it's beautiful."

"Well, ito na lang. Gusto ko ng simple lang. Simple lang naman kasi akong babae eh," pakipot niya kunyari.

"What? Ito lang ang gusto mo? Ang badoy ng taste mo sa mga bag. No, heto mas bagay sa'yo. Ikukuha kita ng limang bag," sabad nito. 

Napangisi lang siya. Umandar kasi ang drama niya at nagtagumpay siya. Ang mahal ng bag na gustong bilhin ni Regor para sa kaniya. 

"Sige pa Regor, I like it. Sige pa, bilhan mo pa ako ng mga mamahaling gamit. Hindi pa naman nababawasan ang pera mo," usal niya habang sumusunod lang sa lalaki habang iginigiya siya nito papunta sa clothing department.

"Oh, heto pa. Pumili ka ng lahat ng gusto mong damit. Sky is the limit. Bilhan mo na rin ang mama mo. Tiyak na magiging masaya siya," sabi nito sa kaniya. 

May mabait naman palang katangian ang mokong na 'to. Pero madalas ring asal demonyo.

Pumili siya ng mga magaganda at mamahaling damit. Ito na ang pagkakataon niya kaya itutudo na niya. Sino ba naman ang aayaw sa "sky's the limit" na sabi nito.

"Here, I think magaganda 'di ba? Kaso, nahihiya ako sa'yo. Ang dami na ng nasa cart," ingos niya na parang nagpapa-cute sa lalaki.

Napangisi naman ang lalaki. Ito kasi ang gusto niya sa babae ang makimi.

"It's okay, is that all? Oh, baka may idadagdag ka pa?" tanong ulit nito sa kaniya.

"Wala na, subra-subra na nga ito. Niyaya mo na akong kumain, manood ng sine at heto pa binilhan mo pa ako ng mga gamit. I am so overwhelmed handsome. Thank you so much for all," kunyari pa simpleng pasasalamat niya. 

"Sige, magpa-uto ka pa," usal niya. 

"What did you say? May narinig akong sinabi mo, ano iyon, ha?" kuryusong tanong nito sa kaniya.

Napalunok naman siya bigla at nag-isip agad ng alibi. Tumikhim muna siya para alisin ang mga bara sa lalamunan niya.

"Wala,  sabi ko baka nag-aalala na si nanay, kaya kailangan ko nang umuwi ngayon," palusot niya.

"Okay. I'll pay the bill then you can go home," sagot nito sa kaniya, sunod nagbayad sa counter.

Buti naniwala naman agad ang lalaki sa gawa-gawa niyang kuwento. 

"Thank you ma'am and sir! Come again," anang  cashier.

"Thanks," sagot ni Regor saka binitbit ang lahat ng mga nasa paper bag na pinamili niya para kay Mariposa.

Hinatid pa siya ng lalaki palabas. Wow, gentleman na naman. Sana all, 'muntik pa siyang humanga s kabaitan nitong fake. 

"Handsome, puwede bang sumakay na lang ako ng taxi. Hindi pa kasi alam ng nanay ko ang tungkol sa'yo kaya mag-iisip iyon ng masama."

"Okay, dito na rin lang ako. Wait, I have a question."

"Yes, ano 'yan?"

"Mag-so-show kapa ba sa Club mamayang gabi? O bukas?"

"I think hindi na. Magre-resign na lang siguro ako dahil alam kong nandiyan ka naman eh, wala naman akong ibang maaasahan bukod sa'yo," malambing na sabi ni Mariposa. 

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon