Chapter 54

26 2 0
                                    

Chapter 54

Prioritize

"Kilala mo naman 'yon si Boss. Hayaan mo na lang. Mapopromote ka naman na." Alam kong pinapagaan lang ni Paul ang loob ko dahil na-sermonan kanina ni Boss.

Natawa ako. "Sanay na ako ro'n. Saka anong promote, baka mauna ka pa."

Paulo frowned at me. Totoo naman. Mas mauuna siyang ma-promote sa'kin dahil mas magaling siya sa trabaho. He's always hands on. Minsan ay siya pa ang nag-re-remind sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang nag-lead ng team namin. He's more capable.

I can't file my leave on Monday for my rest. Kaya sa Friday, hindi rin ako makakapunta ng Manila. Kailangan ko nang tapusin ang project namin ngayong week kaya wala akong magagawa kung hindi pumunta ng office kahit na weekend. Sa sobrang pag-iisip tungkol dito ay hindi ko na rin napag-patuloy ang pag-aaral ko ng Web Development. Huminto muna ako dahil nga marami pa akong kailangang tapusin sa trabaho.

Tulungan ngayon ang dalawa kong kapatid na mag-alaga kay Vane. Kapag hindi naman kailangang nasa office para i-check ang robot ay naka-work from home na lang ako.

Pumasok si Nadine sa kwarto kong nakangiti.

"Ate..."

Ano nanaman kayang hihingiin nito? Nagtaas ako ng kilay pero nakatutok pa rin sa ginagawa.

"Naghahanap kasi ako ng scholarship sa Naga. Doon na lang ako mag-aaral. May kaibigan naman akong doon din mag-aaral, sa ADNU."

Natigil ako sa ginagawa ko para kausapin si Nadine. Lumiit ang mata ko dahil iniisip kung bakit doon niya gustong mag-aral. Akala ko ay gusto niyang mag-aral noon sa Manila tapos ngayon ay sa Naga na?

Ang dalawang kamay niya ay nasa likod. Naka-ngiti naman ng malapad kaya alam kong bobola-bolahin niya nanaman ako.

"Bakit naman doon? Ayaw mo na sa Manila? Ano bang kukunin mong kurso?"

Umupo siya sa kama ko. "Well, BSIT din naman. Maganda raw ang IT sa ADNU, ate. I-ta-try ko talagang magka-scholarship! Promise!"

Alam ko namang tatanda si Nadine at ngayon ay nasa tamang edad na siya para magdesisyon para sa sarili niya. Noon, ganitong edad din ako noong nagpaalam kay Papa na nakakuha ako ng scholarship sa Manila. Kaso lang, kilalang-kilala ko ang kapatid ko. Kapag walang gumagabay o nagpapaalala sa kaniya, masyado siyang nadadala ng nararamdaman niya. Natatakot akong pagdating niya roon at mag-isa na lang siya. Walang nagbabantay o tumitingin man lang, baka kung anong mangyari sa kaniya.

Makulit at maingay si Nadine sa pamilya. Hindi ko lang din ma-imagine na mag-isa siya roon. Kahit na may kasama pa siyang kaibigan, iba pa rin kung pamilya ang magbabantay.

Sa paningin ko rin, masyado pa siyang bata para lumayo sa'min.

"Nakapag-paalam ka na ba kay Papa?" tanong ko.

"Hindi pa, Ate. Sa'yo muna. Kapag pumayag ka, papayag din naman iyon si Papa."

"Alam mo na ang sagot ko d'yan, Nadine. Masyadong malalayo ka sa'min."

"Ate Anna naman... 'Di naman na ako nagpapasaway, e. Kung 'yun ang dahilan kung bakit ayaw mo akong payagan, isang beses lang naman nangyari ang pagpasaway ko noon. Alam ko naman na ang tama at mali. Alam ko rin namang hindi biro ang pagpapaaaral. Look, Ate, I've seen enough. Nakita ko kung paano kayo nag-sakripisyo ni Papa para makatapos ka at mapag-paaral kami. Sa tingin mo ba sasayangin ko 'yun? Pupunta ako roon para mag-aral."

Bumuntong hininga si Nadine. Sa mga sinabi niya, medyo naka-relate nga ako roon. Mas nakaka-proud nga dahil mas malawak mag-isip si Nadine sa'kin kumpara noon ka-edad ko siya. Hindi ko alam kung anong kahalagahan ng pag-aaral. Siguro ay na-realize ko na noong may nangyari masama kay Mama. Ayos na sa'kin noon ang makapasa lang. Hindi ko ginagawa kung ano ang best ko.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon