Chapter 11

43 3 0
                                    

Chapter 11

Stay

"Pa, anong oras tayo pupunta kay Mama? After work mo na lang?" tanong ko over the phone.

"Oo anak, kamusta kayo d'yan ni Jonas?"

"Okay naman po. Natutulog po siya eh, napuyat siguro dahil mainit kagabi. Pupunta pala si Kit dito pa sa bahay."

"Ganun ba? Kawawa naman. Hayaan mo na lang matulog. Si Kit? Oh sige, ikaw na bahala 'dun ha? I-kamusta mo na rin ako."

"Okay Pa, bye po."

Binaba ko na ang cellphone ko after kong tawagan si Papa.

Lahat talaga ng mga naging kaibigan ko ay close ni Papa. At kahit isa, wala siyang hindi nakasundo. Lahat niya nagugustuhan para sa'kin. Alam niya naman kasing ang mga napipili kong kaibigan ay maaayos, except kay Patrick. Pero I swear, noong una talaga kahit si Papa ay boto sa kaniya.

Nagising na rin si Jonas na ngayon ay umupo muna sa sofa habang nagsstreching, fineflex ang mga muscles niya.

Ngumuso ako. Porke ma-muscles!

"Anna, laro lang ako. Just read a book while waiting for your friend..." tumaas ang dalawang kilay niya at paos pa rin ang boses.

"Laro ng?"

"Just ragnarok or something else," matipid niyang sinabi saka ngumiti.

Nagsalubong kilay ko sa sinabi niya. Ano 'yon?

"Saan ka maglalaro? Aalis ka?" naguguluhan kong tanong.

Agad naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko.

"Sa cellphone, Anna," aniya, pinipigilan pa ang pagtawa.

Kinamot ko ang dulo ng kilay ko.

"Bakit ka kasi magpapaalam pa? Pwede ka naman maglaro na lang d'yan," ngumuso ako nang sinabi ito.

"Wala lang..." natatawa niyang sabi saka sinimulan na ang paglaro sa cellphone.

Maya't-maya ay mayroong kumatok na sa gate, sigurado akong si Kit na 'yon.

Agad akong lumabas habang nakangiti. Nakita ko din si Kit na nakangiti habang nakangiti. May dala siyang motor kaya binuksan ko ng malaki ang gate.

"Missed you, Kit!" niyakap ko agad siya nang makababa siya ng motor niya.

Napaka-lakas talaga ng appeal ng mokong na 'to. Kaya ang daming naiinggit sa'king babae noong high school dahil kaibigan ko 'to, e. May-ari kasi ang magulang nito ng mga car  factory sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas kaya sikat na sikat siya. Isa pa, may lahing Chinese.

"Missed you too, Anna! Ganda-ganda naman talaga."

"Bolero ka. Kamusta sila Tita Kitty and Tito Karl?" tanong ko agad habang pinapapasok ko siya sa loob ng bahay.

Nang malapit na kami sa pinto ay nakita kong nakahilig ang isang poging naglalaro na si Jonas. Sorry, pero pogi talaga. Ang manly ng paka-hilig niya sa pinto habang seryoso sa kaniyang nilalaro.

Agad akong tiningnan ni Kit.

"Boyfriend mo? Naks! Ayos ah, lumevel up ka, Anna. Hi boss! I'm Kit." Bati niya kay Jonas saka naglahad ng kamay pero tiningnan lang ito ni Jonas.

"I'm playing..." ani ni Jonas at binalik ang mata sa paglalaro.

"Uh... Pasok na tayo." Bulong ko kay Kit.

Si Jonas naman ay nakatingin na sa'kin, pero walang sinasabi.

Nauna na si Kit papunta ng sala habang kami naman ni Jonas ay nasa pinto pa rin palabas.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now