Chapter 29

36 2 0
                                    

Chapter 29

Cheat

Nakatulala na lang ako sa bench hanggang dumating ulit si Kobe na mayroong dalang first aid kit.

"Anna, 'yung video..." sabi pa ng iilan.

"Putang-ina, tigil-tigilan niyo na nga! Hindi kayo nakakatulong!" galit na galit na sabi ni Kobe sa iba kong kaklase.

Nanahimik sila at wala nang nangialam sa'kin. Mayroon siyang mga hawak na gamot. Hindi ko siya matingnan sa mukha. I feel and look so messed up. Hindi ako makabalik sa classroom at hindi ko alam kung paano bumalik pa after ng nangyari sa'kin.

Fresh pa sa utak ko ang nakita ko sa video. It was Jonas, kissing my best friend, Marta. Halos hindi ko matapos dahil parang babaliktad ang sikmura ko sa mga nararamdaman. They were in a public place, madilim at maraming kotse kaya parang nasa parking lot. Jonas' hands were all over Marta's body. From her neck, her waist, down to her thighs. Nang ma-zoom in pa, nakita kong gustong-gusto nila ang nangyayari sa kanila. Their expressions were too sensual and I don't know what happened next, but I'm sure they cheated on me.

Ang sakit...

"Okay lang ba, kung, gamutin ko ang sugat mo?" tanong ni Kobe, with his concerned voice.

Tumango ako pero hindi na nagsalita. Wala na akong ganang magsalita at tuyong-tuyo na din ang lalamunan ko. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mukha ko at wala akong pakealam doon, kahit nasa gitna ako ng init, nakaupo sa bench ng soccer field.

Hinihipan niya muna ang sugat ko nang inilagay ng agua-oxinada. Medyo ngumiwi ako dahil medyo masakit iyon. Mahaba kasi ang pagkakalmot sa'kin ni Marta pero alam ko namang hindi niya sinasadya iyon.

Sa nararamdaman ko ngayon, mas nagagalit ako kay Jonas. I can't believe he did that to me. I can't believe he was able to do that. Kaya nagtatanong ako sa sarili ko kung minahal niya ba talaga ako dahil naguguluhan ako.

"Are you taking the final exams?" tanong ng professor namin kaya sumagot ako ng oo.

Bumuntong hininga ako bago nagsimula. I reviewed for this exam so bad! Pinaghirapan ko dahil gusto kong magkaroon man lang ng award at makapag-apply ng scholarship para sa last year ko dito sa school next year.

Pero kahit anong basa ko... walang pumapasok sa utak ko!

Hindi ako makapag-focus dahil sa nangyari kanina. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang sinasgutan ang mga nasa papel.

I can't do this.

Naiiyak akong sinagutan ang exams namin kahit hindi ko na alam kung tama ba ang nilalagay ko sa papel.

After those exams, pumunta agad ako ng wash room para doon umiyak nang umiyak. I think... mawawala ako sa dean's lister at mawawala rin sa'kin ang dalawa— si Jonas at Marta.

Tahimik akong napaupo sa cubicle at tahimik ding umiyak. Sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Jonas cheated on me.

I lost Marta.

Hindi ako nakapagsagot ng maayos sa exams.

Siguradong matatanggal ako sa dean's list.

At... hindi makakapag-apply ng scholarship next year.

Pano na ang mga bayarin namin sa hospital neto? What should I do?

I closed my eyes and got out of the cubicle. Pumunta ako sa bench kung saan walang tao para makapag-isip ng maayos.

"Uh, A-Anna... may tumatawag sa phone mo," sambit ni Kobe nakatingin sa cellphone ko.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now