Chapter 20

39 3 0
                                    

Chapter 20

Help

"May alam ka bang pwedeng uhm, pang-extra income?" tanong ko kay Kobe, dahil balita kong nagtatrabaho siya.

Tumaas ang tingin niya sa'kin at kumunot ang noo.

"Meron naman. Bakit, magtatrabaho ka rin?" tumango ako sa sinabi niya.

Iniisip kong ayoko na ang maging pabigat kay Jonas. Kung gusto ko talagang makapagtapos, I should work hard for it.

"O-Oo, e, ano ba 'yung pinapasukan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, sa Tita ko 'yun. Gusto mo bang ipasok kita ro'n ? Fast food chain, malapit lang din dito sa school kasi doon din namin nilalagay ang paninda na nandito sa canteen," pagkekwento niya sa'kin.

Hindi ko masyadong naiintindihan ang sinabi niya sa'kin dahil pre-occupied ang isip ko. Sana pumayag si Jonas sa desisyon ko.

"Gano'n ba? S-Sige. Kelan nga ulit?" tanong ko, wala sa sarili.

"Ha? Ah, kailan kita ipapasok? Pwede ka namang bukas na mag-umpisa, naghahanap din kasi si Tita ng pwedeng magpart time job ngayon."

"Sige, bukas. After ng klase natin."

Ngumiti si Kobe sa'kin.

"Okay, sabay na tayo kung ahm, hindi ka hahatid ng boyfriend mo." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya.

Nagpatuloy kami sa pagtapos ng game namin ngayon kaya si Marta ay nasa ibang classroom at hindi ko kasama.

Padabog na dumating si Larah sa room, ibinaba ang bag niya at umirap. Kurt looked at her and lift his lips, pinapanood kung anong ginagawa ni Larah.

"Oh? Anong mukha 'yan?" tanong ni Pio kay Larah.

Napabuntong hininga si Larah at umamo ang mukha.

"Nakakainis kasi si Marta..." agad akong kinabahan ng narinig ang pangalan ng kaibigan. "Hindi na nga tumutulong, pabigat pa!" she whispered a curse after she said that.

"Larah, may problema kasi 'yon, inintidihin mo muna." Sabi ko sa kaniya ng mahinahon.

"Nakakainis kasi! Hindi pa nga niya natatapos ang naka-assign sa kaniya, nagpakalasing sa bar! Nakakaurat talaga!" tinakpan niya ang mukha dahil sa pagkainis kay Marta.

Nanliit ang mga mata ko. Naglasing sa bar? Hindi naman ito gawain ni Marta.

"Sorry, Larah... pagsasabihan ko na lang."

Umiling ako dahil sa mga pangyayari, pilit na iniintindi si Marta. Nang makahanap ako ng oportunidad para makausap siya ay iyon ang ginawa ko. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko siya pag-sasabihan sa ginawa niya pero nag-aalala ako para sa kaniya kaya't bahala na.

"Marts... kapag bumagsak ka rito, baka hindi ka maka-move up sa fourth year... Please, Marta..." pakikiusap ko kay Marta na ngayon ay parang hindi nakikinig sa'kin.

Walang ekspresyon ang mukha niya nang tumingin sa'kin. Naka-upo kami ngayon sa labas ng room dahil nakita ko siya nang pauwi na sana ako.

Masama niya akong tiningnan kaya kinabahan agad ako. May mali ba akong nasabi?

"H-Hindi niyo kasi ako naiintindihan... palibhasa hindi kayo ang nakakaranas nito," umiwas siya ng tingin ang nagsimulang umagos ang luha sa mga mata.

Umiling ako.

"Naiintindihan kita, Marta. Naisip ko lang na mas makakabubuti kung hindi ka na muna maglalasing at magfocus muna sa project at... sa baby mo," hininaan ko ang last na sinabi dahil baka may nakarinig.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon