Chapter 37

33 1 0
                                    

Chapter 37

Persistent

Ayokong pumunta sa office pero kailangan. Gusto ko sanang magpaalam sa boss ko na mag-wowork from home na lang muna ako pero nahihiya ako dahil nga first day ngayon ng supervision ni Jonas sa department namin.

Gusto kong isipin na sinasadya niya talagang i-supervise kami. Bakit? Una, dahil isa na siyang President ng sarili niyang kumpanya! Pangalawa, ang daming department, pero kami ang napunta sa kaniya?

Wala akong ganang pumunta sa office. Hindi ko na nga nabati iyong guard sa baba dahil wala ako sa mood makipag-usap sa ibang tao.

"Oh, what's with your face, Anna? First day ngayon ni Sir Jonas, you have to smile!" tugon ni Gideon sa'kin kaya mas lalo akong napasimangot.

"Talaga bang hanggang katapusan iyon ng March? So, two weeks, Gideon?" I sounded too disappointed.

He laughed at me. "Bakit ba? Mukhang mabait naman si Sir Jonas ah? He looks intimidating yes, because he is the freaking owner CWS, but I think it's just an impression."

Bumuntong hininga ako.

"Bakit niya pa kailangang mag-supervise? Sana nag-focus na lang siya sa sarili niyang kumpanya kung ganoon, Gideon."

"Anna... naging partner ang CWS at ang company natin dahil sa isang project. Tinulungan na nila tayo dahil kulang tayo sa automation specialists, at nagmamabuting loob na rin si Sir Jonas para mag-supervise sa'tin. Bakit ba?" natawa siya.

Someone cleared his throat.

"Why Miss Palmares, do you have any problem with me being your supervisor?" I heard the coldness of Jonas' voice that I haven't heard before.

Agad na nagtaasan ang balahibo ko sa boses na iyon. Si Gideon din ay nanlalaki ang mata ng tumingin sa'kin. He pressed his lips and zipped it. Ginamit niya pa ang kaniyang kamay sa pag-zipper nito at tinaas ang index finger and mouthed, "Lagot."

Nilakihan ko siya ng mata pero agad iyong binawi.

I smiled as I looked at Jonas. "Wala, Jona... S-Sir, Sir Jonas. Wala po."

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Jonas kaya halos mapairap ako pero agad din namang napigilan iyon.

"You're the leader of this team, right? Come with me." Aniya saka tumalikod.

"Po?" hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi.

Ayoko nang makasama siya dahil na-a-awkward ako kapag kausap siya. Bukod pa roon, nahihiya ako dahil sa pagbubuking ni Nadine.

"Ma-attitude ka talaga kahit kailan, ano, Anna?" sabi ni Gideon nang makaalis si Jonas sa harap namin. "Buti hindi narinig 'yung po mo!"

Tiningnan ko siya saka ako umirap. I silently groaned and just leave the office.

Dahan-dahan akong pumasok sa office kung nasaan si Jonas. Mayamang-mayaman na siguro siya dahil kahit isang buwan lang siya rito ay inayos talaga ang office niya. Sa itim na L-shaped computer desk niya ay mayroong dalawang monitor at isang laptop.

"G-Good evening po, Sir Jonas," magalang na tugon ko pero walang-wala ang galang ko sa mga iniisip ko ngayon.

He glanced at me and twisted his lips. He examined me from head to toe. Na-conscious ako agad kaya pairap na umiwas ng tingin.

"Take a seat," matigas na sabi niya.

"Ano pag-uusapan natin, Jonas? I mean..." shit. "Sir Jonas!"

Mahirap bang maalala na supervisor mo siya ngayon, Anna?

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi nang tumingin sa'kin. Sinarado niya ang kaniyang laptop at pinagsalikop ang dalawang kamay.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now