Chapter 44

26 1 0
                                    

Chapter 44

Truth

Magkasama kami ni Xyrill sa loob ng iisang kwarto. Parang ayaw niya akong pansinin at galit pa rin sa presensya ko.I shrugged. Wala naman akong magagawa kung inis siya sa'kin. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako dahil sa pag-iisip ng mga sinabi sa'kin ni Tita Aubrey kanina.

"If you're thinking that we'll be friends after this, think again." She rolled her eyes.

Tiningnan ko siya.

"I never thought that, Xyrill." Sagot ko.

Inaayos ko ang mga gamit ko sa isang closet. Dalawang closet ang nandito, at dalawa rin ang queen-sized bed. Sa bandang baba, mayroong flat screen television. I didn't expect that this will be big, but it is.

I think, we got a discount because of Jonas and from Rafael.

I checked the shower room. Binubuo ito ng kulay maroon at puti. Parang pang mag-asawa ata ang hotel room na 'to. Kung mag-asawa talaga ang magchecheck-in dito, siguro mayroon pa 'yang mga scented candles sa paligi. At sa higaan, mayroon pang flower petals.

Maganda sigurong mangyari iyon after wedding. Pinisil ko ang mga labi ko sa isa't-isa para pigilan ang pagngiti.

Napa-ubo ako nang pumasok si Xyrill sa banyo. She rolled her arms around her chest and looked at me.

"Hey, Anna. May plano ka na naman bang agawin sa'kin si Sir Jonas?" she asked.

Kumunot ang noo ko. Lumabas ako ng banyo dahil ang awkward namang mag-usap kami sa loob no'n. Xyrill's very straightforward and true. Minsan ay nakakatuwa pero kadalasan ay maiinis na lang ako dahil wala namang sense ang ibang sinasabi.

I didn't answer her question.

"Like how you did to Kit?" Patuloy niya pa. "Lahat na lang ba ng gusto ko, gugustuhin mo rin?"

She chuckled in disbelief. Ako rin, hindi rin ako makapaniwalang pinag-uusapan namin ang mga ganitong bagay. Kung sana ay may problema siya kay Kit, pinag-usapan nila iyon.

"I don't know what you're talking about. Kit and I are just friends. Alam mo 'yan, simula pa noon, hindi ba? Simula pa lang noong nag-aaral pa tayo, alam mo nang close lang talaga kami dahil magkaibigan."

Hindi ko rin alam kung bakit parang kailangan kong magpaliwanag sa kaniya.

"Malandi ka lang talaga, Anna. Lahat na lang ng lalaki, kaibigan mo? Pati si Paul! Si Gideon tapos ngayon si Sir Jonas? Pokpok ka ba?"

I glared at her because of her words.

"Kahit noon naman, e. Talagang gusto mong mapalapit ka sa mga lalaki. Kaya nga nag-hiwalay kayo ni Patrick noon dahil sa lalaki 'di ba? Oh, meron pa palang bago. Sino ba, iyong intern na si Oscar? Sino pa ba, huh?"

Updated pala siya sa buhay ko.

"Stop hating on me, Xyrill. Hindi ko kasalanang ganoon ang turing nila sa'kin. Hindi ibigsabihin ng marami kang kaibigang lalaki ay bayarang babae ka na. Do I need to differentiate being prostitute and being friendly?"

"N-Nakakainis ka talaga! Dapat hindi ka na lang sumama rito..." nagulat ako nang makitang naluluha na siya.

Hinayaan ko siyang magsalita muna. Hindi ako umimik dahil sa nakita ko. Umupo siya sa malambot na kama, galit na galit ang mga mata.

"Every time I see you, I always ask myself... bakit gusto ka ng lahat at ako hindi?" umiling siya. "Even the man I love likes you..."

Nakatayo pa rin ako habang pinagmamasdan siya. I knew it from the very beginning. Inis siya sa'kin dahil kay Kit. Pero kailangan niyang maintindihan na magkaibigan lang talaga kami ni Kit. Wala naman talaga akong intensyon na landiin ang mga lalaking kaibigan ko. Sadyang malapit lang talaga ako sa kanila. Bakit? Mahirap bang intindihin iyon?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon