Chapter 1

185 10 4
                                    

Chapter 1

Girlfriend

"What can I offer, then? Anything. Say as you please."

He's so annoying! Pupunta rito sa room ko at guguluhin lang ako. Pasalamat siya, anak siya ng boss ni Papa dahil kung hindi, kanina ko pa siya pinaalis dito! But, of course joke lang. Hindi ko kaya.

"Hindi mo ba naiintindihan? Masakit po ng buong katawan ko. Sa tingin mo po ba, hindi kita kakasuhan? Paano kung mangyari din 'to sa ibang tao dahil sa'yo? Kuya—"

"I'm sorry... I'm Jonas."

"Jonas, mabuti pa, umalis ka na lang. Hindi na mababago ang desisyon ko."

Pumungay ang mata niya. Oo, pogi ka pero kakasuhan pa rin kita. Nakita kong pumula ang gilid ng mga mata niya.

Nagpapaawa ba siya?

Alam ko namang kasalanan ko rin ang nangyari. Saka ano nga ba ang ikakaso ko sa kaniya? Gagastos pa ako ng abogado. Ugh! Wala akong alam sa mga ganyan!

"I know that it was my fault. I apologize." He said sincerely.

"Bigyan mo nga ako ng rason para pagbigyan kita?"

Nakita kong napabuntong hininga siya.

"Last night, nahuli ko ang tatay ko... paalis siya ng bahay. Dahil nga palaging umiiyak ang nanay ko dahil naghihinalang may ibang babae siya ay sinundan ko siya at ayun, narinig kong may kausap sa phone. He even talked about the love of his life." Nang sinabi niya iyon ay nandiri siya agad.

"Palaging umiiyak si Mommy sa'kin pero hindi niya nasasabi sa tatay ko. Ganoon siya nakadepende kay Daddy because he has money and power. I want to end Mom's pain... at hindi ko magagawa iyon kung kakasuhan mo ako, because Daddy can surely take everything from me just with that, so please, kahit ano, ibibigay ko sa'yo. Just don't sue me. Please." I looked at him.

Naaawa agad ako sa kaniya. Hindi ba siya nag-jo-joke lang para hindi ko ituloy ang pag-kaso sa kaniya? Hindi ko man nga alam kung anong gagawin ko o kung may kasalanan ako sa mata ng batas.

Bumuntong hininga ako.

Pumasok sa'kin lahat ng sinabi ni Papa. Wala na akong mauuwian dahil hindi na ako papayagan ni Tita Miah, ang Mama ni Marta, na tumira kasama ang anak niya. Kailangan ko ng libreng matitirahan. Nanliit ang mata ko. I know this is wrong. Pero, okay, go na 'to. Ayoko nang pahirapan si Papa.

"Do you have a house or dorm or whatever near in Saint Joseph?" tanong ko.

Agad na lumiwanag ang mukha niya.

"Yes, I have a condo unit near at school. 'Dun ka rin pumapasok? I am, too!" he chuckled. "So you need a condo unit? You can take mine."

"Pansamantala lang 'to. Hindi ko ugaling magtake advantage sa tao. Isang sem na lang, matatapos na din naman ako ng third year. At dahil mabait akong tao, hindi na kita kakasuhan." Sabi ko sa kaniya.

Hindi siya agad nagsalita kaya napatingin ulit ako sa kaniya. He looked grateful. Ngumiti pa siya sa'kin.

"I won't take anything from the unit. Just my clothes. I'll provide you anything you need, too. And if you want something, just call me. Give me your phone." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

Is this for real?

"I won't take too much. Okay na ang condo unit. I mean, that's more than enough."

Nakakahiya ka, Anna!

"Your life isn't worth just a condo unit and my provision. Just take it as my sorry. Kung iniisip mo rin na maghihirap ako, no. It's nothing. Now give me your phone."

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now