Chapter 57

30 2 0
                                    

Chapter 57

Words

Things came naturally and for the first time again, I felt at peace. Alam kong ma-mi-miss kong masyado ang pamilya ko, especially my beloved Vane. When I left Catanduanes, I feel like I'm leaving my comfort zone. At peace ako sa byahe pero kapag sa trabaho na ay alam kong panibagong pagsubok na naman ito. I knew that it will be a lot harder than before. Mas lumaki ang sahod, lumaki rin ang pressure dahil alam kong mas malaki ang responsibilidad ko ngayon sa kompanya.

Napag-usapan namin kanina ni Nadine na susunod siya sa'kin dito sa Manila. Alam ko namang ayaw niya. Hindi ko naman siya pinipilit, tinintingnan ko lang kung paano niya ihahandle ang sitwasyon. She'd try so hard to have a scholarship then go to Naga. Kung ganoon, mas makakapag-aral siya ng mabuti. I won't just stop reminding her how important education is.

"Ingat d'yan Ate! Nasaan ka na raw?"

"Malapit na ako sa tutuluyan ko. Sumunod ka rito, ha!"

"Saka na 'yan, Ate Anna. Malay mo magbago pa ang isip mo at payagan mo na ako sa ADNU."

"Baka pag-bo-boyfriend ang atupagin mo roon. Idol mo ba ako?" kunwari ay masungit kong sinabi, kausap si Nadine sa cellphone.

I heard her tsk-ed. "Of course hindi, Ate! Mag-aaral ako roon. Ayoko lang nang magulo katulad d'yan sa Manila. Gusto ko rin ng peaceful na lugar para makapag-focus sa pag-aaral."

"Mag-uusap na lang ulit tayo tungkol d'yan. Malapit na ako. Paki-sabi na lang din kay Papa."

"Okay, Ate Anna! Love you!"

Pakababa na pakababa ko sa kotse ay nakita ko ang pagsalubong ng isang itim na kotse sa sinakyan ko. Tumaas agad ang kilay ko nang maramdaman ko kung sino ang nakasakay roon. Hanep, ah. Pati sasakyan niya, pogi?

Alam ni Jonas kung saan ako tutuloy. It's just a simple apartment along Los Baños. Mayroong taas at baba. Actually, it's just a loft second floor for the bed space. Sa baba, naroon ang CR, sala at kusina. It's big for one person but not that pricey. Pwede ritong tumira ang tatlo at maluwag pa sa kanila kaya okay na okay na sa'kin ito. I got this apartment by looking online. Para kapag punta ko rito, ready na ang apartment ko.

Ipinarada ni Jonas ang kotse niya sa parking lot sa harap ng apartment. Nang bumaba siya ay napataas ang gilid ng labi ko. It feels like I'm watching a koreanovela right now. Ngayon ko lamang siyang nakitang naka-shades and take note, he was in his car and his car is heavily tinted. Ang arte!

When he looked at me, he didn't smile. Hindi ko rin mabasa ang mga mata niya dahil naka-shades. His lips are straight. Habang ako rito, nakangiti nang todo dahil natatawa sa get up niya. He's wearing all black! Hindi ko rin naman siya na-contact these days because I think he's busy. Medyo gulat nga ako nang pumunta siya ngayon. Akala ko ay hindi niya nabasa ang texts ko.

Sinalubong ko siya nang yakap nang makalapit.

"Pogi, ah? May date ka ba?" I joked.

He caressed my head softly. "I missed you."

Bumitaw ako sa yakap at tiningnan siya. "Hindi mo nga ako ni-replyan. Were you that busy? Wait! Pasok muna tayo."

Binuhat niya ang mga gamit ko habang ako ay binubuksan ang apartment. Habang naglalakad ay napansin kong namumula ang kaniyang ilong at tenga.

"Na-allergy ka?" I checked him up.

"No," he replied. "Why?"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now