Chapter 33

29 1 0
                                    

Chapter 33

Siguro

"Good morning po, Miss Anna. Uhm, maglilinis na po sana ako... pasensya na po. Nandito pa pala kayo." Sabi ni Mark, ang janitor ng department namin.

Ako na lang ang natitira sa office dahil nag-overtime. I looked at the janitor and smiled.

"It's okay, Mark." Tiningnan ko ang name tag niya para makasiguradong iyon nga ang pangalan niya. "You can start cleaning while I'm here. Sorry rin, nag-overtime ako dahil maraming tinatapos."

Nahihiya siyang tumango at sinimulang kunin ang mga gamit panglinis.

"Ah, ayos lang po iyon Miss Anna. Napaka-sipag niyo po talaga," tipid na ngiti na lang ang sinukli ko kay Mark at bumalik na ulit sa ginagawa ko.

Tumingin ako sa orasan, at nakitang alas-dose na ng tanghali. Ang labas ko talaga dapat ay alas-otso ng umaga dahil nakapang-night shift ako. I closed my eyes a bit and looked at the monitor.

Inalis ko lang ang mata ko sa monitor nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko.

"Good morning, Sir Chua," bati ko sa telepono, nagbibiro sa kaibigan.

I heard him chuckled. "Luh, ano na? May event bukas ang del Real Foundation ha, i-remind lang kita," paalala niya.

Lumipad ang kamay sa aking noo. Muntik nang mapamura kung wala lang dito ang janitor na nanglilinis sa office. I bit my lower lip and sighed.

"Oo nga pala, 'no? Ang dami kasing pinapagawa ni boss," reklamo ko sa kaniya. "Hindi pa nga nagfufunction 'tong ino-automate ko, kanina ko pa nga nireresearch kung ano nang gagawin dito."

"Akala ko nga tulog ka na, pero nagbaka sakali na rin akong gising ka para i-remind. Uhm... sige, iba na lang ang iinvite ko para makapagpahinga ka," sabi ni Kit.

Agad akong napasinghap sa sinabi niya.

"Share ko lang naman, Kit. Hindi ko naman sinabing hindi ako pupunta. This rest can wait. Besides, wala ako rito ngayon kung walang del Real Foundation kaya pupunta ako, promise. See you, Sir Chua!"

"Okay talaga, Anna, para makapagpahinga ka."

Napairap ako sa sinabi niya.

"Next time nga hindi na ako magkekwento sa'yo! Share ko lang naman, hindi pa naman ako pagod na pagod. Sige na! Bukas ng hapon diba?"

"Hmm, I'll fetch you." Aniya.

"Last na," I chuckled shyly. "Pwede bang isama si Vane? Wala rin kasi si Papa bukas, kaya walang magbabantay," tumungo ako at sinara na muna ang monitor.

"Oo naman! Miss ko na rin ang baby'ng iyon," tumatawang sinabi niya.

I remembered again how my mother died. Dalawang taon na simula nang pinanganak si Vane at dalawang taon na rin simula nang mamatay si Mama. She is a miracle, dahil nga naging healthy pa rin siya at nabuhay kahit comatose noon si Mama. My father decided to close the case again for the nth time. Palaging walang ebidensya, kaya palaging walang pag-asa. Ayaw na rin ni Papa ng gulo at manahimik na lang kasama ang bagong blessing sa pamilya namin.

Nang maka-uwi ako ng bahay, agad akong napangiti nang makita ko ang smile ni Vane.

"Aw, nag-milk ka na?" tanong ko at hinalikan ang kaniyang pisngi.

She replied with another soft chuckle. So cute! Ang mata niya ay lubog at matangos ang ilong kahit baby pa. Nagmana rin kay Mama ang kaniyang manipis na labi. Palagi rin siyang ngumingiti at humahalakhak kaya kahit pagod na pagod ako galing sa trabaho ay nawawala dahil sa kaniya.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora