Chapter 40

39 2 0
                                    

Chapter 40

Deserve

Tumingin ako sa relo ko. Hindi ko namalayan na lagpas nanaman ang oras ng trabaho ko. It's already eight-thirty in the morning and my co-workers are now packing their things up.

"Una na kami Anna. Ingat ka," sabi ni Paul at ngumiti naman si Gideon.

I waved my hand at them.

"Ingat!" tugon ko.

Pumasok na rin ang janitor sa aming office. Humihingi nanaman ito ng pasensya dahil narito pa raw ako. Ngumiti ako sa kaniya.

"It's okay, Mark. Gawin mo nang normal ngayon ang nakikita mo pa rin ako rito tuwing umaga."

"Sige, Miss Anna... sige po," aniya bago ipagpatuloy ang ginagawa.

My heart suddenly fell when I saw who was leaning on the door. Inayos ko agad ang pagkakaupo, ang buhok at ang sarili ko. Tapos na ang trabaho kaya paniguradong haggard na ang itsura ko.

"Overtime?" he asked.

Tinigil ni Mark ang kaniyang ginagawa at unting yumuko kay Jonas. "Good morning Sir," he greeted.

Jonas nodded his head and looked at me again, waiting for my reply.

"Yup. Pero pauwi na rin naman ako." Tumango siya.

"Ihahatid na kita."

Umangat ang tingin ko at nagulat ng konti dahil sa iisipin ng janitor namin. Halatang nakikinig pa naman si Mark at malisyosong tumingin sa'kin pero agad ding binalik ang tingin sa paglilinis.

"H-Ha? Hindi, okay lang, Sir!" I nervously chuckled. "A-ang bait niyo naman po."

Kinalas niya ang pagkahalukipkip ng kaniyang braso at tinaas ang kaniyang isang kilay. Napatayo na rin naman ako para kunin ang mga gamit ko. Mabuti pang mag-usap na lang kami sa labas o wag na kaming mag-usap dahil baka ano pa ang isipin ng iba.

"Are you gonna reject my kindness, Anna?" naglaro ang ngiti sa kaniyang labi.

I sighed as I look at him. Mas lalo siyang ngumiti kaya naglakad ako para makalabas ng office.

"Good bye, Miss Anna!" hindi ko na nabati pabalik ang janitor dahil sa pagmamadaling makawala sa usapan namin ni Jonas.

"Ihahatid na kita," sabi niya. "Let's go?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Mukhang medyo nagulat pa siya sa biglaang pagharap ko at halata iyon sa itsura niya pero halatang nanunuya pa rin.

"Jonas," I emphasized his name and the word alone. "I can go home alone..."

"I know but I can ride you home too. Conserve energy," he pressed his lips and smiled a bit.

Kung pangiti-ngiti siya ngayon, ako naman ay nakangusong hindi nagugustuhan ang mga pangyayari.

I sighed, twisted my lips and narrowed my eyes. "No," sabi ko.

"Hey," marahan niyang hinawakan ang braso ko at hinila papalapit sa kaniya. "Ihahatid lang talaga."

"Stop it." Tugon ko.

Tama na ang nagyari sa bahay niya noong isang araw. It was just my overwhelmed emotions. Ilang taon na rin akong walang boyfriend 'no! And I don't want to fall for him again! I should focus more on my family and career.

Imbes na tumigil na siya ay mas lalo pa itong ngumiti pero agad ding binawi. Hindi ko alam na ganito na pala siya ka-persistent, ha? Hindi ako informed.

"C'mon Anna, please?"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ba, Anna, naaapektuhan ka pa rin sa cuteness ng isang to?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now