Chapter 55

31 2 2
                                    

Chapter 55

Need

Pumunta muna kami sa centro pagkatapos ng pagkain. Hindi ko rin nahanap si Nadine sa daan. Baka nasa kapitbahay nanaman iyon, nakikipagkwentuhan.

Wala naman kasi kaming pupuntahan dito kung hindi mga beaches kaya para maiba naman ay bibili kami ng mga lulutuin mamayang gabi. Naisip ko dahil wala na namang pagkain sa ref kanina.

"Anna! Naligaw ka rito?"

Medyo gulat ako nang makita si Tito Peter, siya ang tatay ni Patrick, iyong ex ko. Lumapit agad ako para makapag-bless habang siya naman ay umiiling, tumatanggi dahil baka marumihan pa raw ako. Nagtitinda siya ng mga gulay at karne rito.

"Long time no see po, Tito Peter. Si Jonas po pala," I smiled.

Hindi gaanong nagbago ang mukha ni Tito Peter. Sikat ang pamilya niya rito dahil nga may mga itsura sila. Lalo na siya at ang isa niya pang anak, pero hindi si Patrick. Nakita ko nang isang beses ang nanay niya pero isang beses lang noong umuwi galing Saudi at pinakilala niya pa ako.

Lumapit din si Jonas sa puwesto para makapag-bless. Natawa si Tito Peter saka ay tiningnan si Jonas mula ulo hanggang paa.

"Ang guwapong binata. Buti naman at nakahanap kang mas matino sa anak ko, ano?" natawa kami pareho.

He's a joker, I remember, pero kung ako si Patrick ay ma-o-offend ako sa sarili kong ama.

"Si Tito Peter, tatay nung ex ko, si Patrick." Bulong ko kay Jonas, katabi ko lang din.

Nakita kong kahit pinipigilan niya ang pag-ngiti, halatang-halata pa rin dahil sa mga mata niya.

"Tito, bibili po ako ng karne. Dalawang buong chicken po saka tatlong kilong baboy." Sabi ko.

"Ay! Ipapakuha kita ng mga bagong dating sa bahay. Madali lang naman ito. May ipapamili ba kayo? Balikan ninyo na lang." Ngumiti si Tito Peter kaya tumango na lang ako.

Tama. Bibili pa naman kami ng iba pang mga ipagluluto para hindi puro baboy at chicken na lang.

"Ano, allergic ka pa rin sa seafoods?" tanong ko kay Jonas habang naglalakad kami.

Hinarap ko siya para tingnan siya habang nagsasalita at nakitang nakatingin lang siya sa'kin. Nagtaas ako ng kilay dahil naghihintay ng sagot.

Umiwas siya ng tingin ang tumango. Umiling naman ako.

"Eto eto, halika." Pinakita ko sa kaniya ang isang klase ng clam. "Sanay kaming tawagin 'to ng lips to lips."

Nakangiti siya pero nakakunot ang noo. "Bakit?"

"Sisipsipin mo kasi 'tong butas para makuha mo 'yung laman. Parang nag-ki-kiss lang kayo." Mukha pa rin siyang hindi kumbinsido kaya kumuha ako ng isa.

Hindi pa 'to luto pero hindi ko naman kakainin.

"Nakikita mo 'tong butas? Parang lips niya yan. Tapos 'yan ang sisipsipin mo para makuha mo 'yung laman sa loob. Masarap 'yan. Like super." Alam kong hindi niya matitikman kaya ako na lang ang magsasabi sa kaniya kung gaano ito kasarap.

"See? Parang lips niya saka lips mo kaya ang tawag d'yan... Huy! Nakikinig ka ba?" nakita kong kaunting nakaawang ang labi niya saka sa'kin nakatingin, hindi naman sa pinag-uusapan namin.

Mukha namang wala siyang interes sa pinagsasabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya para sa iba siya dalhin.

"Hindi ka naman nakikinig, Jonas, e." Reklamo ko sa kaniya.

"Nakikinig ako." Ewan ko nga sa'yo, Jonas.

"Ang cute ng isda," utas ko sa nakitang mga bata na nagtitinda ng isda na nakalagay lang sa plastic.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now