Chapter 31

34 1 0
                                    

Chapter 31

Break

"Miss Palmares, I know that you're going through something and I understand that. But you failed your final exams as well as your scholarship next year," dismayadong tugon ng professor ko.

"Sir, b-baka po... may magawa pa?" pakiusap ko.

What kind of question is that, Anna? Syempre wala na. You failed!

"Look, Miss Palmares, I want to help you as much as I could because you are one of my excellent students, but there's nothing we can do about that. Bumagsak ka sa final exams, at nahila nito ang marka mo."

Wala na akong nagawa kung hindi tumango na lang at umalis sa faculty.

Kung wala na talagang pag-asa ang scholarship ko ay kailangan ko pangawalang plano. Iyon ay ang magtrabaho. Hindi ko pa alam kung saan ako maghahanap ng trabaho pero mas maayos sana kung ang pagtatrabahuhan ko ay isang IT company na.

Naaalala ko ang offer sa'kin ni Sir Clyde noon. Umiling ako sa naisip. Clyde's not a choice. Bakit ko ba siya naisip? Hindi na ako kailaman papasok sa pamilyang iyon. Gusto ko na munang magpahinga at hindi isipin ang nangyari. Ayoko rin magkaroon ng dahilan para lumapit ulit sa'kin si Jonas.

I closed my eyes and took a deep breath. Wala na akong maisip na tama dahil sa mga nangyayari. Wala rin naman akong matawagan na kahit sino para makahingi ng tulong.

My eyes widened. Si Rafael! I think he can help me.

"Hello, Raf?" sabi ko sa pinsan.

"Yes, Anna? Kamusta?"

I took a deep breath. Hindi ko naisip noon na darating ang oras na hihingi ako ng tulong sa kamag-anak ko.

"Uhm... M-may kakilala ka pa ba na nag-ooffer ng scholarship bukod sa C-Campo?"

"Ow, of course, Anna.... Etong pinagtatrabahuhan ko, ang may-ari nito ay mayroong foundation partnered with Chua Car Factory, at nag-ooffer sila ng scholarship sa mga IT Programmers. Natandaan ko na nga, noong nakausap ko ang anak ng may-ari."

My eyes widened because of what he said.

"Si Kit? Kit Chua?" hindi makapaniwala kong tanong.

"'Yun! Bakit mo kilala? He is one of the investors of del Real Foundation, Anna. Great right? In his young age, ganoon agad ang pinagkakaabalahan. Bakit mo pala natanong?"

I can't believe it. My heart is beating wild because of the excitement. Sana lang ay makapasa ako sa scholarship na 'to.

"I will inquire, Rafael. Kailangang-kailangan lang," napakagad ako sa lower lip ko.

"Ganon ba? Sige Anna, I'll help. Kailan mo balak mag-apply ng scholarship?" tanong niya.

"No... Rafael, thank you sa pag-suggest pero... ako na ang bahala. Thank you talaga!"

"I know my mom and Tita Theresse has this misunderstanding, Anna, but we're not them so let me help you. Ngayon lang ako makakatulong sa'yo kaya pagbigyan mo na ako. Besides, hindi ako gagastos ng pera kung makikipag-usap ako sa del Real Foundation, kung iyan ang iniisip mo." Narinig ko ang buntong hininga ni Rafael.

"S-Sorry... Raf."

"So, you'll let me help you? 'Wag kang mag-alala dahil alam ko namang magaling ka kaya makakapasok ka rito." I smiled because of what he said.

"Thank you talaga Raf! Super thank you!"

"No problem. Send my regards to Tito. Bye, lil couz!"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora