Chapter 36

32 1 1
                                    

Chapter 36

Supervising

"Where are you going, Ate Anna?" asked Nadine.

Hinahanda ko kasi ang damit ko pang-ligo para mamaya. Mag-isa lang akong pupunta ng Marilima para ma-relax ako. Pero kung mayroong gustong sumama ay ayos lang... basta 'wag na lang akong guluhin.

Iniisip ko ang nangyari nang makita ko ang former nurse ni Mama at ni Rene. How are they related? Kung pinag-uusapan nila ang baby, edi may anak sila? They're couple?

"D'yan sa Marilima. Bakit?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

"Sasama ako," sabi niya. "Sama natin si Vane."

Agad akong umiling. "Nadine, magpapahinga ako roon. Baka iyakan tayo ni Vane pagdating don."

"Hindi naman 'yan Ate, ako'ng mag-aalaga." Pagpupumilit niya. "Sige na, please?"

Bumuntong hininga ako at tumango. "Sige na."

Inayos na rin namin ang nga gamit ni Vane at sumakay na lang ng tricycle para hindi kami mapagod ng karga ang baby. Mabigat pa naman ito, at sa payat namin ni Nadine, hindi kakayanin ng braso namin.

Pagkarating na pagkarating namin ay agad kong inamoy ang ihip ng hangin.

"Huwag lalayo, Nadine, ha?" sabi ko sa kapatid.

Agad siyang tumango habang naka-ngiti. "Yes Ate!"

Umalis siyang karga si Vane habang ako naman ay nagtanggal ng panglabas na damit para maligo. Nakaka-relax ang alon at ang hindi gaanong mainit na araw dahil hindi pa tanghali.

I always remember Jonas when I'm here and I'm comfortable with it. Para ngang nawawala ang pagod ko kapag iyon ang naaalala ko. Tumikhim ako at tumungo na lang sa dagat. Siguro ay nakauwi na rin iyon kasama ang mag-ina niya.

Sinasalo ng aking likod ang hampas ng alon. Para akong minamasahe kaya napapikit ako.

Simula nang lumipat na ako rito sa Catanduanes, ito ang takas ko sa realidad. Kapag pagod, nasasaktan, o naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko ay dito ako pumupunta para kahit konti ay makalimot.

It's true that we all have different types of escape. Ako siguro, ay ang ang dagat... ang hampas ng alon, at ang malamig na simoy ng hangin.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago tumayo at naglakad palayo sa tubig. Nasa gilid lamang ako at naglalaro ng maliliit na alon na tumatama sa binti ko.

"What a nice view..." napa-angat ako ng tingin dahil sa nagsalita.

Hindi muna ako lumingon dahil hindi naman siguro ako ang kausap. Pero dahil kuryoso rin ako at gustong makita kung sino ba ang nagsabi non ay lumingon ako. I immediately widened my eyes when I saw my ex boyfriend in front of me.

He was just wearing his beach shorts and nothing more. Kaya balandra ang kaniyang kumikinang na katawan, dahil sa sinag ng araw.

"Y-You're here..." iyon ang nasabi ko. "Akala ko ay umuwi ka na."

He shrugged. "Bakit ako uuwi?"

Umiwas ako ng tingin. Malamang kasi hindi naman dito ang bahay mo, at mayroon kang asawa at anak! Bukod pa roon, mayroon kang kumpanya sa Maynila. Sige, bakit ka nga ba uuwi?

"Nandito pa ba sila Marta at Clinton? Kasama mo?" mahinang tanong ko.

Inayos niya ang pagkakatindig para makita ako ng maayos dahil natatamaan na ng sikat ng araw ang kaniyang mga mata.

"Nauna na sila, kasama si Clyde," sabi niya.

Napaangat ako ng tingin at nagtaas ng isang kilay. Is he serious? Bakit niya pinayagang umuwi ang mag-ina niya kasama ang ex-boyfriend nito na kapatid niya pa?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now