Chapter 59

29 1 0
                                    

Chapter 59

Family

"Happy birthday," Jonas said slowly as he brushed his eyes on me.

Smiling, I wrapped my arms around his neck to hug him. He smells good, he smells fresh from the bath to be exact. He's just wearing his simple black shirt and slacks yet he's very charismatic. Ako ay kailangan pang mag-bongga'ng outfit para masabayan siya, ano.

"Pogi mo," I whispered in his ear.

I love it when he still blushes every time I compliment him. Hanggang pagbaba namin ay hindi niya matago ang pag-ngiti niya. Sigurado akong hindi na dahil sa sinabi ko iyon. Ano kayang iniisip nito?

Bukod sa excitement, kinakabahan ako dahil makakausap ko nang matagal ngayon ang tatay niya. Mauubusan ata ako ng sasabihin. Alam ko sa sarili kong madaldal akong tao minsan pero ewan, natatameme ako sa tatay niya. Gusto kong malaman kung normal ba 'to, pero sino naman ang tatanungin ko eh wala naman akong kaibigang may jowa. Si Jonas kaya, kinakabahan din siya kay Papa? Mukhang close naman sila noon. Friendly naman kasi talaga si Papa kahit kanino.

"Are you excited?" he asked.

Hininaan niya rin ang air con dahil malamig na ang kamay ko nang hawakan niya ito.

Tumango ako. "Oo naman. Nasa bahay niyo si Nathan?"

He nodded. "Yep. He helped with some stuffs."

"Oh, natapos niyo? Baka kinulit mo lang si Tito ah, baka busy talaga 'yon," ulit kong sinabi.

I'm looking forward to have a good relationship with his family. Syempre, nagsisimula iyan sa mga ganitong set up. Sa hapag kainan dahil magkakasama kayo. Since he will be my future husband, I want us to have a healthy extended family. Kaya ngayon pa lang, I want to know them more.

"He actually initiated na sa bahay na lang, Anna."

Nabigla ako roon. "Really?"

"Uh, huh. Malakas ka nga kay Dad. He likes you." I don't know if he's telling the truth...

Pero kung totoo, that's great. I mean, sa mga nasabi ko sa kaniya, he really should be very mad at me. Baka nag-o-overthink lang ako noon nang marami akong masasamang iniisip sa kaniya. Hindi naman siya rude. Sinabi niya nga, natakot lang siya for her wife.

Bumaba siya sa kotse. After he opened the door for me, ganoon din ang ginawa ko. They have a huge house. Siguradong maliligaw ang tao rito kapag unang punta pa lang. It looks like a classic mansion. Mukhang matagal na pero hindi mukhang luma. Halatang namangha ako sa nakita dahil nahulog ng kaunti ang panga ko.

"This is my Dad's inheritance from his grand father. Ito na lang ang natira sa kaniya. Nagkasunog noon ang mga establishments ng mga magulang ni Dad, my grandparents, and they went bankrupt. They also died from the fire." Kwento niya habang papalapit kami sa bukana ng bahay.

Wow. Mas lalo akong nagulat sa kwento niya. I cannot find the right words to say.

"He has no siblings so sa kaniya napunta 'to. Ayos, 'no?" he chuckled.

"Matagal na pala 'to? Ang ganda," lalo na pag pasok naming dalawa. I mean the tiles, the chandeliers, the designs, the paintings and the classic colors. They're amazing.

"Yep, ni-re-renovate lang. You know what, ilang beses niya na ring naisip na ipabili 'to."

"Huh? Sayang naman. Sayang 'yung sentimental value."

"Sabi nga ni Mom. But don't worry, hindi niya na 'to ipapabili. Let's go and celebrate your birthday," he said excitedly.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako kung saan daw namin i-ce-celebrate ang birthday ko. Kanina pa ang smile niyang 'yan kaya nagtataka ako kung ano ang pakulo niya. Baka inimbitahan niya ang buong barangay, gano'n. Kung malaki ang labas ng bahay nila, mas lalong malawak ang loob. Hindi ko na matandaan kung saan ang palabas pero sigurado akong nasa first floor kami.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now