Chapter 53

23 1 0
                                    

Chapter 53

Family

Pinagpaplanuhan ko na ngayon ang pag-punta ng Maynila para makahingi na rin ng dispensa para sa mga nasabi at nagawa ko kay Sir Olivan at kay Tita Minha. I was doing my apology speech in my head when Jonas texted me. Naputol tuloy ang pag-iisip ko.

Jonas:
What are you doing?

Nagtaas ako ng kilay. Hindi ba 'to busy sa pagtatrabaho at nakakapag-text pa? Ako nga ay hindi halos makapag-isip na mag-text o tumawag dahil sa trabaho at sa pag-aaral. Technically, hindi pa naman kami kaya iniisip kong ayos lang kung hindi ko pa siya masyadong tinetext ngayon.

Me:
Nag-aaral lang. Hindi ka busy?

Jonas:
Nasa meeting.

Inaasikaso ni Papa ang pag-process ng papers para sa mana ni Lolo para kay Mama kaya ako at si Vane lang ang tao rito sa bahay. Mamaya ay papasok na rin ako sa trabaho.

Jonas:
Miss you.

Ngumiti ako sa text niya. Really? Lagi niya naman 'tong sinasabi sa'kin pero apektado pa rin talaga ako. Miss ko rin naman siya. Ngumisi ako nang tuluyan dahil sa i-re-reply.

Me:
I miss you too.

Akala ko ay mag-re-reply pa siya kaya't mga isang minuto pa akong tumitig sa cellphone ko. Hindi na rin naman siya nag-text. Baka busy na roon sa meeting niya. Ayos talaga 'tong si boss Jonas, nag-mu-multitask. Kayang lumandi habang nag-tatrabaho. Professional, huh?

Sa aming dalawa ni Jonas, mas vocal siya sa nararamdaman niya. He is also transparent. Kapag inis, malungkot o masaya, nakikita ko talaga sa ekspresyon ng mukha at sa mga galaw niya. Hindi niya iyon naitatago. Alam ko agad kaya napag-uusapan agad namin ang kailangang pag-usapan patungkol sa kaniya. Habang ako naman ay kaya kong maitago. Hindi ko alam kung paano pero iyon ang ginagawa ko dahil kailangan. Sa tingin ko naman, good thing iyon para sa'kin. When some people are depending on you, you have to be strong for them. Sila rin naman kasi ang pinag-kukunan ko ng lakas.

Tumatawag si Jonas. Tapos na kaya ang meeting nito? Thirty minutes pa lang ang nakakalipas.

"Hi," his voice was deep.

"Tapos na ang meeting?"

"Tapos na. What are you doing?"

"Right now? Wala naman. Matutulog kasi may trabaho pa mamaya. Just waiting for Vane to sleep as well. Ikaw?"

"I'll just eat my lunch here in my office. Magpapa-deliver na lang. Anyway, what are your plans this week?"

Nag-isip ako roon. Ano nga ba ang gagawin ko? Pupunta ng Manila para humingi ng dispensa sa nagawa ko noong araw na pumanaw si Kuya Justin.

"If you're really coming, you can use my condo unit. Hindi na ako roon nag-s-stay."

"Dalawang araw lang naman siguro ako. Sasabihan ko na lang si Rafael."

"Alright. Just suggesting. Kailan ka pupunta?"

"Friday, dahil wala na akong pasok no'n."

"Friday pa?"

Natawa ako nang bahagya. "Oo... bakit?"

"Hindi pa kita makikita. You know that I miss you already. Pero ano pa nga ba, I'll just make myself busy working."

I don't know what to say. I'm literally blushing right now. Napaka-teenager mo namang kiligin, Annalistica.

"Hindi ka pa ba mag-lu-lunch?"

"On its way. Matutulog ka na ba?"

"Hindi pa naman. Mukhang hindi pa rin matutulog si Vane, e."

I heard him sigh lightly. "Take a good sleep if you can already, alright?"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon