Chapter 4

84 5 1
                                    

Chapter 4

Weekend

Medyo naalimpungatan ako nang mayroong narinig na nag-uusap.

"She'll be fine. Ipainom mo na lang 'to sa kaniya after she ate her meal this evening. By the way, I'll be going, Jonas. Send my regards to your mother." Nagbeso pa siya kay Jonas bago umalis.

Base sa mga sinabi niya, naisip ko agad na Doctor ang kausap ni Jonas. I think, the Doctor's in her mid-50s. Siguro ay OB. Bumaling ang tingin sa akin ni Jonas. Tumaas ang kilay niya bago pumunta sa'kin dala-dala ang gamot.

"I talked to Sir Rico. Meron ka pala ngayon tapos nagpumilit ka pang pumasok." Ismid niya.

Parang siya ata ang meron ngayon. Ang sungit niya. Akala mo talaga siya 'yung babae.

"Okay lang naman ako. 'Di ka na sana nagtawag ng Doctor."

"Hindi ka nga okay. Mabuti na iyong may nag-check sa'yo, 'di ba?"

Dahil meron nga ako, mabilis akong mairita. Kahit na wala naman siyang ginagawang masama ay naiinis ako sa kaniya. Para hindi na ako mainis pa ay tumahimik na lang ako.

Tatayo na sana ako pero tinulak niya lang ang noo ko gamit ang index finger niya saka ay umiling. Umamba ulit ako na bumangon pero ganon ulit ang ginawa niya. Nairita na ako kaya hinawi ko na ang kamay niya pero 'yung isang kamay niya naman ang ginamit niya at hindi na index finger ang ginamit, kundi ang buong palad niya na sa balikat ko at dahan dahan na akong pinahiga.

"Magpahinga ka." Utos niya.

"Okay lang nga ako! Naiinis na ako sa'yo. Isa pa." Sigaw ko sa kaniya kaya nalaglag ang panga niya.

Ngumiwi pa ako dahil sa inis sa kaniya.

"Is that how you say thank you for bringing you here, huh?" panunuya niya saka ngumisi pa.

"Kung iinisin mo lang rin ako ngayon, sana hinayaan mo na lang akong lumapiga roon, Jonas." Naiirita kong tugon saka binuksan ang ref para magluto.

"With your dress on? No way. Sino kaya ang nag-attend sa P.E. class ng naka-dress? Unbelievable." Tiningnan niya pa kung gaano kaikli ang dress ko saka umiling.

"It's because, magtuturo lang naman si Sir!"

"Tsk. What to you want to eat?"

Doon lang ako napangiti. Sakto, nagugutom na ako.

"I want sinigang na baboy. Gusto ko 'yung maasim na maasim." Naglaway pa ako nang maimagine kong hinihigop ko ang maasim na sabaw ng sinigang.

"E 'di magluto ka." Sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

Mas lalong uminit ang ulo ko kaya imbes na mainis ako sa kaniya ay hindi ko na lang siya pinansin. Magtatanong-tanong tapos ako din pala papalutuin! Bwisit talaga! Dapat talaga hinayaan niya na lang ako sa harap ng restroom eh.

"Just kidding. Higa ka ron. I'll cook." Tumatawa pa siya habang sinasabi iyon.

"Ngayon mo pa talaga naisipang magbiro, ano? 'Dun ka na nga! Ako na lang magluluto. 'Wag mo akong kakausapin. Nag-iinit ang dugo ko sa'yo." Halos pumutok na ang ugat sa brains ko dahil sa pagkainit ng ulo ko.

Nakita kong napa-o ang bibig niya saka mahinang tumawa. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ako. Hindi ko na lang siya pinansin habang nagluluto ako. Bahala siya sa buhay niya. Siya naman, magdamag lang ata akong tititigan hanggang matapos ko 'tong niluluto ko.

Ayaw ko naman siyang lingunin pero naaawkward talaga ako sa titig niya. Hindi rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Is he tripping on me again?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon