Chapter 28

39 2 0
                                    

Chapter 28

Disgust

"Kain ka muna." Sabi niya nang makaalis na si Kobe, dahil tutulong na raw sa kanilang pwesto.

"Thank you." I pressed my lips to smile. "Kain ka rin..."

Binuksan ko ang paper bag na mayroong sandwiches.

Hindi niya ata nagustuhan ang nakita kanina. Hindi na kasi siya nagsalita hanggang makaalis kami sa library. Ako tuloy ang kinakabahan sa ginagawa niya. Hindi ko nga sigurado kung saan ba nanggagaling ang kaba ko dahil exams namin mamaya, arraignment ni Jonas o kung dahil ba hindi niya ako kinakausap.

"H-Hihintayin kita rito, Jonas. Dismissal." Mabilis kong sinabi at tumango naman siya.

He swallowed hard and pressed his lips. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Alright. Let's talk later." Tumango ako sa kaniyang sinabi, alam ko na agad ang gustong pag-usapan.

Bago pa ako makatalikod at pumunta ng classroom, hinila niya ang kamay ko kaya't napaharap ako ulit sa kaniya. Halos mawalan ako ng hininga nang dinampi niya ang labi sa noo ko. Maraming naghiwayang babae sa hall, pati na rin ang mga lalaki sa classroom ko.

"J-Jonas!" hindi makapaniwalang sinabi ko dahil nasa public place kami at classroom ko ito.

Nag-angat ang kaniyang labi pero nanatiling nanliliit ang mga mata.

"Now, I'm inspired." Sinabi niya sa paos na boses.

Nang inisip ko ang sinabi niya ay napalabi ako. I wanna be there for him and my father, but I have final exams.

"I'm just here for you," bumuntong hininga siya at ngumiti ako.

Naghiyawan nanaman ang buong klase nang pumasok ako. Uminit ang pisngi ko nang makitang nakatingin sa'kin si Marta. Hindi ko mabasa ang itsura niya. She was expressionless. Yumuko ako at umupo sa tabi ni Marta, saka nilabas ang laptop na dala ko.

"H-Hi," bati ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at nakuha nito ang atensyon ko. Nang tiningnan ko siya ay inirapan niya lang ako at tiningnan ng masama.

Napabuntong hininga ako. This is so complicated. Parang pinapapili ako ng tadhana kung kaibigan ko ba o si Jonas.

This is what I'm thinking, na kapag pinaubaya ko ang mahal ko, sigurado ba siya na mamahalin siya ni Jonas? At pangalawa, kung ipapaubaya ko sa kaniya, mawawalan na ako ng kaibigan, mawawala ko pa si Jonas. I don't wanna lose them both, but I have to choose.

Bigla akong na-guilty sa naisip ko. Bakit ko naisip na ibigay si Jonas? Oh my gosh, napaka-sama kong girl friend.

"M-Marta, galit ka ba sa'kin?" mahinang tanong ko sa kaniya para hindi marinig ng iba naming kaklase.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" I'm not sure if I saw her smirk or I'm just hallucinating.

Hindi ko alam pero hindi na siya ang dating Marta na kilala ko. Parte ata ito ng pagbubuntis at naiintindihan ko naman 'yon. I'll really try my best to understand her in every way.

"H-Hindi ko alam... kasi... hindi mo ako pinapansin," my heart sank when I said it.

It's heartbreaking seeing your best friend fading away. Matagal kong naging kaibigan si Marta at ayaw kong mawala siya sa'kin. She's like a big sister to me. Naluluha ako nang kinakausap siya, at gusto ko nang umiyak. I don't wanna lose her, and our friendship.

"Talaga bang ganyan ka na lang? Magmamaang-maangan? Wow, you're good!" nanlaki ang mata nang naging malakas ang boses niya.

Ano?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon