Chapter 23

37 2 0
                                    

Chapter 23

Plan

Tomorrow is Christmas break! Excited ako pero nanghihinayang din sa oras at the same time, dahil ayoko ng break para matapos na namin 'yung game pero okay na siguro 'to dahil frustrated na rin ako masyado.

"Are you sure you won't celebrate with your family?" tanong ko kay Jonas na ngayon ay inaayos ang gamit niya.

"None of my family's here in Manila, Anna. They went abroad for a gala." Aniya at ngumiti.

Tumango ako sa kaniya. We'll celebrate our first Christmas together! Nag-stretch ako at bumuntong hininga. Inisip ko kung saan ba siya pwedeng dalhin sa Virac.

"May schedule na ba 'yung pre-trial?" tanong ko sa kaniya.

Bukas pa kami aalis pero nag-iimpake na ng mga dadalhin. He decided to move in here in his condo. I think, that's for the better. Pinayagan niya akong magtrabaho, basta hindi ko papagurin ang sarili at hindi na kasama si Kobe.

He nodded. "A month after this break..."

Nagtagal dahil sa imbestigasyon. Hindi ko naman rin siya matulungan dahil hindi ko alam ang itutulong ko.

"Are you done with your game?" tanong niya.

Umiling ako sa kaniya. Ang tagal matapos dahil nagkaproblema kami ni Kobe. Hindi pa rin siya nagpapakita sa'min. Siguro, naguilty rin sa ginawa. Pero, umuusbong naman ang paggawa namin dahil ginagawa niya naman ang assigned task para sa kaniya kahit hindi siya sumasama sa group meeting.

"Hindi... pero malapit na rin naman. Are you done? Mag-aattend lang ako ng meeting namin tapos... uwi na rin," sabi ko dahil wala naman ng ibang plano.

Tumango siya. Day by day, he becomes more manly and matured. Actually, it's a good change. Pero syempre, na-mi-miss ko pa rin ang kakulitan niya. Hindi na siya iyong Jonas parang bata dahil nagiging seryoso na siya. Hindi niya na nga ako ganoong inaasar, hindi katulad dati.

Napabuntong hininga ako sa naisip.

"Susunduin kita, after work ko rin." Tumango ako sa sinabi niya.

"Sige." Sagot ko, hindi nakatingin sa kaniya.

"Anna!" tawag niya sa'kin, may hawak na camera.

Nakanguso akong tumingin sa kaniya dahil nga sa naisip kanina. Pero, mas nagulat ako nang tinawag niya ako ng malakas kaya nakanguso at nanlalaki ang bilog kong mga mata.

He burst out of laughter because of my expression. Imbes na mainis ako, ay natawa pa dahil sa pagtawa niya.

"You scared me!" napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito.

"Tingnan mo 'yung mukha mo, ang epic!" tumatawa niya pa ring sinabi.

Loko to ah. I pout my lips then glared at him.

"Joke lang... ang cute cute kaya ng bebi ko na 'yan. Look oh, mukhang bibe..." humagalpak nanaman siya ng tawa kaya mas lalo rin akong natawa kahit nagmamaktol.

"Jonas naman!" sabi ko sa maliit na boses.

Tumayo siya para lumapit sa'kin at bahagya akong niyakap.

"Ang ganda mo kaya. Joke lang 'yon syempre. Na-miss ko lang ang pagnguso mo dahil sa inis. Kapag ngunguso ka na kasi ngayon, dahil na sa halik ko," agad siyang natawa dahil kinurot ko ang tagiliran niya.

"Minsan ang gago mo talaga!" asar kong tugon.

"See? Naka-pout ka nanaman. Ang cute ng maliit mong lips, kakagatin ko 'yan!" aniya saka binasa ang labi.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon