Chapter 9

47 3 0
                                    

Chapter 9

Sorry

While I was busy looking at him, he smirked at me then he looked at the window of the car.

"Is that your sister? She looks just like you." Napatigil ako sa kaniyang sinabi.

Nang tumingin ako sa katabi kong window, I saw my sister. Napangiwi ako nang makita siyang sumisilip sa kotse. Hindi ba siya informed na baka may tao sa loob at mapicturan siya at i-post siya sa facebook, magviral at pagtawanan siya ng mga tao?

"Yeah." I hissed.

"What? She's so cute. Parang batang ikaw." Saka siya tumawa.

"Nadine!" Sigaw ko nang mabuksan ko ang pinto ng kotse.

"OMG ate! I missed you!" she hugged me.

"I missed you, too. Pero magtutuos pa tayo, Nadine!" I said but she just hugged me tight, talking about her ex.

"I super missed you, Ate Anna." Her voice cracked.

Hinawakan ko ang braso niya para maihiwalay siya sa yakap ko at tingnan ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Are you alright?" I asked her right away.

"Oo naman Ate. Miss na miss lang talaga kita. Wala na kaya akong magandang Ate'ng kasama sa bahay. Puro na lang si Jarred. Sawang-sawa na ako sa mukha." Bigla siyang tumawa.

Napabuntong hininga ako. I thought she's hurt.

"Be good to your little brother, Nads."

Hindi niya na ako inintindi saka tumingin sa kasama kong lalaki. She looked at him head to toe, then her mouth dropped.

"Ate, siya ba si Nam Joo Hyuk?" biglang bulong sa'kin ni Nadine.

"Tumigil ka nga. Syempre hindi no." Utas ko.

"I'm Jonas Steve Ocampo. Your sister's boyfriend." He smiled, ear to ear.

Halos napanganga nanaman ako sa sinabi niya. Now, I really can't take back what he said. Gustong-gusto niya talagang magsinungaling sa mga tao 'no? At sa pamilya ko pa talaga, Jonas?

Tumingin sa'kin ng masama si Nadine saka tumingin ulit kay Jonas ng nakangiti.

"Hi, Kuya Jonas. Tara, pasok tayo. Alam mo ba..." kinuha niya ang braso ni Jonas saka pumasok sa loob ng bahay.

They left me hanging outside. Ang friendly talaga ng kapatid ko. Feeling close pa. Kaya maraming friends yan sa school dahil ang hilig hilig makipag-socialize. Ineencourage ko nga na sumali sa SSG para naman mapakinabangan niya pa lalo ang pagiging friendly niya pero sabi niya, walang kwenta daw ang pagiging SSG dahil puro lang pangako.

Sumunod na lang ako sa loob dahil may mga nakatingin na mga kapit bahay sa labas.

Nang makapasok ako, nakita ko si Papa, naghahanda ng makakain sa lamesa.

"Pa, kumain na po kami. Kakakain lang namin." Sabi ko agad.

"Tumahimik ka d'yan. Kumain ka nang hindi man lang nakakadalaw sa Mama mo?" inis na tugon niya.

Agad na pinuntahan ko siya para yakapin.

"Sorry na Pa. E, balak ko naman na talagang pumunta kay Mama. Hinatid ko lang si Jonas 'doon sa hotel." Sabi ko.

"Isa pa 'yang lalaking 'yan." Nagtitimpinh sinabi niya, kaya ngumuso ako. "Bakit mo ba 'yan kasama? Ano na-love at first sight ka noong nabanggan ka?"

I frowned. Seryoso ba si Papa sa tanong niya? Unang-una, hindi ako naniniwala sa love at first sight. Lalong-lalo na dyan kay Jonas. May atraso sa'kin 'yan eh. Hindi 'yun love at first sight. Sadyang, nagustuhan ko na lang talaga eventually.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now