Chapter 51

33 1 0
                                    

Chapter 51

Worthless

Paulit-ulit ko ring tiningnan ang resulta. Kagat ko ang labi habang hinihilot ang noo. This cannot be fabricated because this was also part of the doings of my legal team. Kakatapos ko lang sa trabaho nang makita ko ang resulta. Hindi ko pa agad nakuha kung anong ibig-sabihin ni Jonas sa text niya. Halos dumugo ang labi ko sa pagkakagat ko nito dahil sa mga iniisip. Inalala ko ang mga sinabi at ginawa ko kay Sir Olivan. Bukod pa roon, inalala ko rin ang mga sinabi ng dating nurse ni Mama.

Nagsinungaling talaga siya. Umalis din siya sa bansa. She is now responsible for what she said. Kailangan ay mahanap siya. Naniwala pa naman ako dahil mukhang nagsasabi siya ng totoo. Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga naisip. Oh gosh.

"Ate, uhm... graduation na po next week."

Nabigla ako dahil sa pagsabi no'n ni Nadine. Oo nga pala. Sa dami ng iniisip ko ay wala na ang mga iyan.

"Si Jarred din, ano?" tanong ko.

"Opo."

Tumango ako. "Anong oras? Sabay talaga kayo?"

"Hindi naman, Ate. Sa'kin po ay umaga tapos hapon 'yung kay Jarred. Kahit ako na lang ang mag-attend kay Jarred ng hapon. 'Di na lang muna ako sasama sa graduation party. Magkikita-kita pa naman kami para sa clearance."

Napalabi ako. "Okay lang, Nads. Si Ate na lang. Mag-le-leave na lang muna ako."

I paid for the graduation fees of my siblings. Ang ginastos ko ay ang kaunting natitirang pera sa bank account ko. Sobrang kinabahan ako nang makita kong zero balance na ito. Napamura ako sa isip. Wala na akong pera. Next week pa ang sahod ko. Sana pala ay hindi muna ako nagbayad ng kuryente at tubig. Inuna ko muna 'tong mga kapatid ko. Lechugas kasi, Anna. Mag-notes ka nga!

Dahil wala naman na akong magagawa ay nag-isip na lang ako ng paraan. Hiyang-hiya akong lumapit kay Gideon para humiram ng pera. First time 'to kaya sana pumayag siya.

"Ano ka ba naman! Okay lang 'yan. I-transfer ko na lang sa account mo ngayong araw."

"Thank you talaga!"

"No problem, 'yan lang pala, e." He smiled.

Maaga akong nagising nang araw na iyon. Ako ang nag-asikaso para sa mga kapatid ko. I met their teachers and their friends. Masaya ang mga kapatid ko kaya masayang-masaya rin ako. Na-excite ako noong maglalagay na ng medal kay Jarred. Ang pogi at ang talino talaga ng kapatid kong 'to. Mana sa Ate Anna niya. Okay lang naman na walang award si Nadine, as long as ginagawa niya ang best niya sa pag-aaral.

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na namalayang nakatulog ako ng mahimbing at mahaba.

Kinakabahan ako nang magising. Hindi ko alam ang mangyayari ngayong araw pero umiyak ako ng walang dahilan. Feeling ko lahat ng pagod ko ay ngayon ko lang nailabas. Ngayon ko lang din lubusang naisip na tapos na negatibo ang resul ng DNA test.

My father and I never talked about what happened, or I would say... we never talked again, like before. Wala rin tuloy akong oportunidad na sabihin kay Papa na hindi si Sir Olivan ang may gawa noon kay Mama. I also should be responsible for my impulse reactions. Kailangan kong humingi ng tawad kay Sir Olivan.

Naisip ko rin ang sinabi sa'kin ni Papa'ng hiwalayan ko si Jonas. Hindi naman kami pero sa ngayon ay iniisip ko munang iwasan siya habang hindi pa ayos ang lahat. Kapag naging maayos na si Papa at naintindihan ang pangyayari, I will make sure to make up with Jonas.

Wala akong alam kung saan ba pumupunta si Papa, o kung pumapasok pa ba siya sa trabaho niya. Gusto kong intindihin na lang muna siya at hayaan na lang. I get that he really needs space from all these things.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon