Chapter 16

46 3 0
                                    

Chapter 16

Box

I was in shock. Siguro ay hindi lang ako sanay na ganoon ang pamilya. Hinatid na lang ako ni Jonas sa kaniyang condo saka umuwi na rin sa kanilang bahay. He even apologized about what he did. I understand him. But I understand her mother too. Malamang sa malamang ay gusto niya lang ding bigyan ng magandang buhay ang mga anak niya kaya kahit na mayroong ginagawang masama si Sir Olivan behind her back, tinatanggap niya lang ito.

Narinig kong nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello... Jonas?"

"Sorry about what happened earlier. I shouldn't have done that in front of you," he lowered his voice.

"Ano ka ba? Okay lang sa'kin! Pero sa mga magulang mo... they're upset," sabi ko.

Tahimik niya lang akong pinakinggan dahil naghihintay pa ng susunod na sasabihin ko.

"I think you should apologize to them?" it sounded like I'm asking him if it was the right thing for him to do.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"You think?" iyon lang ang tanong niya.

"Oo naman, magulang mo pa rin sila kahit may mga pagkukulang..." I sounded very gentle for him to understand my point.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko, parang inaanalyze pa kung papakinggan niya o hindi niya susundin.

It's up to him naman. Para lang sa'kin, dahil siguro kung si Papa o Mama iyon at nasagot ko, magsosorry ako.

"Alright. I'll apologize. Matutulog ka na?" tanong niya.

Natuwa ako nang sinabing mag-aapologize siya. See? He's kind and warm-hearted. Sigurado akong na-realize niyang may mali rin siya.

"Later. Ginagawa ko pa ang Algorithm sa game namin. Ikaw, matulog ka na," sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang unan at binaba ang laptop. I hugged the pillow tightly.

"Really? Gusto mo ba tulungan kita? Sa pag-code na? I have tools here and I know these will help you because these helped me a lot."

"I'm fine, Jonas. Focus ka na lang sa pagiging intern mo, future boss?"

He laughed. "I like that. But seriously speaking kung gusto mo akong tumulong. You can also borrow my laptop here. Andito na ang mga kailangan mo para sa application."

"Ano ka ba? Ayos nga lang ako, Jonas. Hindi naman mahirap."

Gusto kong matawa sa huling sinabi. Lag na palagi ang laptop ko dahil sa kalumaan, isama mo pa ang punong storage! I'm in my third year, kaya three years na rin 'tong laptop ko sa'kin.

"Only if you want me to help, of course."

Gusto talaga?

"You asked the wrong question. Bakit ko naman gugustuhin?" natatawa kong sinabi sa kaniya.

I heard him chuckled too.

"Bakit, ayaw mo? Sure ka na?" napapaos na ang boses niya.

Natawa ako ulit.

"Gusto pero hindi ngayon. Matulog ka na dahil matutulog na rin ako maya-maya," mayroon pang tono ang pakakasabi ko sa kaniya.

"Hmmm... Alrighty. Good night, Anna," he said softly.

"Sleep well!" hyper pang tugon ko dahil hindi pa inaantok.

"You end the call." Sabi niya pa kaya natawa na lang ako at ginawa na ang sinabi niya.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now