Chapter 8

56 4 2
                                    

Chapter 8

Nervous

"Welcome to Marilima, Ma'am, Sir." Pag-welcome sa'min ng isang staff na babae.

She's wearing white shirt and floral skirt with just black flip-flops. Ang sahig ay puro buhangin na rin kaya't ayos na ayos ang suot niya. Ganon talaga ang uniform ng mga babaeng staff dito. Sa t-shirt ay may nakaimprintang Marilima with an image, na kinuha din dito sa Marilima Beach.

Jonas smiled at her then looked at me. His head tilted.

Ngumiti rin ako sa Ate saka pumasok na sa beach. Si Jonas ay may kinausap muna kaya hinayaan ko na. Pumikit ako at inamoy ang simoy ng hangin. Nakakamiss pumunta dito. Noong bata pa kami, dito kami palagi nagcecelebrate nila Papa at Mama. Kapag may Birthday or graduation and recognition or kahit anong event pa 'yan, suki kami dito. Pero 'nung nag-high school ako ay hindi na kami ulit pumupunta dito. Naging busy na rin kasi sila Papa at Mama 'non.

"Ate, Ate! Boypren mo 'yun?" napayuko ako nang kalabitin ako ng isang batang babae.

I smiled at her. Nakatingala siya sa'kin dahil nakatayo ako so naghalf kneel ako para magkalevel ang mata namin at hindi na rin siya mahirapang tumingala.

Seryoso siyang nagtatanong sa'kin kaya sinundan ko ang tingin niya na ngayon ay nakatingin kay Jonas na nakahalukipkip habang pinagmamasdan kami.

"Hmm... Ba't mo natanong? Ano bang name mo?" nilipat ko ang tingin sa kaniya.

"Kanina pa po siya nakatingin sa'yo, e. Magkaaway po ba kayo?" tanong niya kaya natawa ako.

"Hindi. Hindi kami magkaaway." Ginulo ko ang buhok niya.

Lumapit siya sa'kin saka ay may binulong.

"Bagay po kayo." Bulong niya saka ako ngumiti. She's adorable and cute!

I looked at Jonas. Nagsalubong mga kilay niya at nagtaas pa ang isa.

"Anong name mo?" tanong ko na lang sa kaniya.

Lumapit sa'min si Jonas habang ang kamay ay nasa bulsa.

"Mikaela Habana po. Anak po ako ng may-ari nito. Gusto niyo po ba ililibre na lang namin kayo ng cottage? Mabait po si Daddy! Ang name niya rin, Mika! Pereho po kami." she excitedly said.

"Sadly, we won't stay here, baby girl. You're so kind, Mikaela. Dahil d'yan, here's a candy for you." Nakangiting sabi ni Jonas na naghalf kneel din.

Tuwang-tuwa si Mikaela at tumatalon-talon pang umalis. Tiningnan ko si Jonas at nagtaka kung saan niya nakuha ang candy.

"Hindi pa ba tayo magchecheck in?" tanong niya.

Ngumisi ako sa tanong niya. Hindi kaming dalawa magchecheck in. Siya lang.

"Sa bahay ako matutulog. Malapit lang 'yon dito. Pupuntahan na lang kita bukas ng umaga. Kakausapin ko muna si Papa." Sabi ko.

Halatang hindi niya nagustuhan ang narinig dahil napasimangot siya at hindi niya na rin nginingitian ang mga staffs na bumabati sa kaniya.

Dala-dala na ng isang bellboy ang gamit niya. May kakilala pala siya rito. Isang mayamang pamilya rin. Hindi niya nga daw alam na dito iyon nakatira. Pinahiram pa siya nito ng Mercedes Benz. Diba? Ang yaman yaman talaga ng isang 'to. Parang sa buong bansa ata, may connection siya.

Kahit maghirap siya, ayos lang pala dahil maraming kukupkop sa kaniya. Mabait naman ata ito sa ibang tao. Mahilig lang talagang manira ng araw.

"Kapag may kailangan pa po kayo, Boss, Madam, tawagin ninyo lang po ako." Aniya saka ngumiti.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now