Chapter 49

33 1 0
                                    

Chapter 49

Girlfriend

We had a meeting earlier this day as a team with our boss, Jonas and other employees of Jonas' web company. It didn't end right away so nakauwi na siguro ako ng alas nuebe ng umaga.

Nagulat ako nang makita si Papa.

His is sitting in the living room, holding his cellphone tightly.

I slowly put my bag down while watching him. Siya lamang ang narito sa sala.

Hindi nanaman ba siya pumasok?

"Papa." Tawag ko sa kaniya.

He looked hurt and fuming mad. I was startled by his expression. Sinuyod ko nang tingin ang kusina. There were scattered pebbles on the floor, kaunti lang naman iyon pero nagtataka ako kung bakit niya hinayaang nakakalat lang iyon sa sahig.

Bumaba ang kaniyang braso.
He is seemingly calming himself. He whispered some curses.

"M-May nangyari po ba?" kabado ako.

He looked at me and teared.

"Nakausap ko ang nurse ng nanay mo," he said in full of restraint.

I was immediately enraptured by what Papa had said. Pumasok agad sa isip ko ang... paano kung may gawin siya kay Sir Olivan? O, baka bumalik nanaman siya sa dati niyang gawain...

I'm scared of what he'll do. While thinking about this, naalis ang mga duda ko sa mga gagawin ni Papa kay Sir Olivan dahil alam kong mabuting tao si Papa. He's just probably as mad as I was when I knew that it was Sir Olivan who raped my mother. Pero si Papa ay asawa.

"Akala ko... akala ko nag-mamabuting loob lang siya noong sinabi niyang tutulungan niya ako sa pagpapagamot kay Theresse pero... tang-ina niya... talaga—" he cried hard, unable to finish his statement.

I bit my lower lip and calmed myself. Pinigilan ko ang luhang bumabadyang tumulo sa mga mata ko. My father looked so dangerous right now. I can't even walk near him to comfort him.

He sighed loudly. "H-Humingi pa naman ako ng tulong... nang mabuntis ang nanay mo... Naging walang hiya ako! Kinain ko lahat ng pride ko para lang maging maayos ang mama mo tapos... traydor ang puta... siya pala ang bumaboy."

Hindi ko na dinagdagan ang mga sinasabi niya dahil baka kung oo, ay mas lalong lang makadagdag sa galit niya ngayon. Hindi ko rin alam kung paano pakalmahin si Papa.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang si Papa, saka iyong mga kalat na bubog sa sahig.

Dahil sa galit, nagwala siya...

Asan ang mga bata?

My father looked at me. Pumungay ang mata ni Papa at bumaba ang balikat.

"Galit na galit talaga ako... Pasensya na..." he sighed.

"Naiintindihan ko, Pa..."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita kong kumalma si Papa. Sinubukan kong umupo sa tabi niya.

"S-Sila Vane po, nasaan?"

"Nasa taas siguro... hindi ko na namalayan..." nasapo niya ang kaniyang sariling noo.

"Anong plano mo, Pa?" I asked.

He sighed. "Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa nanay mo, Anna... gustong-gusto ko siyang patayin gamit ang sarili kong kamay... para madanas niya man lang kung gaano... g-gaano kasakit ang ginawa niya sa pamilya natin."

Hindi ko kinakayang makita si Papa'ng umiiyak nanaman dahil sa parehong dahilan. Alam kong matatapos lang ang hinagpis ni Papa kapag nakulong na ang totoong may kasalanan.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon