Chapter 12

51 6 0
                                    

Chapter 12

Nurse

"I missed you Mama. Pumayat ka po lalo... Nag-eenjoy ka pa ba rito sa hospital? Kung ako sa'yo talaga, tatayo na ako d'yan kung di na ako nag-eenjoy. Miss ka na rin nila Nadine at Jarred." Kausap ko si Mama habang hawak ang kamay niya.

She is cold. Hindi ko maiwasang maluha habang kausap niya. Miss na miss ko na talaga si Mama. Kaya ramdam ko si Papa at alam kong kung masakit ang nararamdaman ko hanggang ngayon ay dinoble ang sa kaniya.

Hindi namin alam kung kailan pa babangon si Mama.

"Naku. Bangon na d'yan mahal para makapasyal ulit tayo," ngumiti si Papa habang naluluha na rin.

Kada bisita talaga namin kay Mama ay kinakausap namin siya para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya at kahit nakahiga siya sa hospital bed ay alam niyang kailanman ay hindi namin siya susukuan.

May kumatok na nurse bago ito pumasok.

"Oh, sir, nandito po pala kayo." Ngumiti ang nurse sa kaniya.

"Ay Ate nurse, may tanong po ako." Sabi ni Papa.

"Pumunta po ba dito si Mr. Ocampo?" tanong ni Papa sa nurse.

Tumingin muna ito sa'kin, bago umiling at yumuko para tingnan ang mga ituturok kay Mama.

"Hindi po... Hindi naman po siya pumupunta dito. Bakit niyo po natanong Sir?" tanong niya bago pumunta kung nasaan nakahiga si Mama.

"Ah, parang nakita ko kasi siya kanina o baka namamalikmata lang ako?" tumawa si Papa sa sariling realization.

"Naku, baka po Sir. Magpahinga po muna kayo doon sa higaan. Saka po bakit naman pupunta dito si Mr. Ocampo diba?" ngumiti ang Nurse nang matapos na ang ginawa kay Mama.

"Tama nga naman. Oo siya't magpapahinga na rin ako. Salamat talaga kay Mr. Ocampo dahil nasa private room tayo," tumawa ulit si Papa.

"Sige po. Pahinga po kayo ng mabuti." Sabi ng nurse kay Papa at tumingin rin sa'kin saka ngumiti.

Pinagmamasdan ko lang siya kaya hindi ako ngumiti pabalik.

Bakit naman nga ba pupunta dito si Mr. Ocampo? Wala naman siyang pupuntahan dito.

Unless?

Tumingin ako kay Mama. Kung friend ni Papa si Tita Minha, baka naman friend ni Sir Olivan si Mama?

Natawa ako sa sarili kong naisip. Hindi naman siguro sila close ni Mama para pumunta siya dito at bisitahin si Mama 'no? Pagod na rin siguro ako at kailangan na ring magpahinga.

"Pa, bibili po muna ako ng pagkain sa baba. Pahinga ka po muna d'yan." Sabi ko kay Papa.

"Ah sige anak. Ingat ka ha? May pera ka ba?" tanong ni Papa.

Grabe naman 'to si Papa sa kung may pera ba ako. Syempre naman. Wala. Joke. Syempre meron, nakakatipid kaya ako dahil kay Jonas.

"Meron po syempre." Tumawa ako sa sagot ko saka bumaba para bumili ng pagkain.

Meron kasing canteen dito sa baba ng hospital na masasarap ang pagkain. Hindi siya iyong lasa ng hospital foods. Nakakainis pa naman ang ganoong lasa. Matatabang. Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa hosptal, dahil sa mga pagkain na ibinibigay. O siguro malas lang talaga ako ng hospital na napupuntahan, dahil walang masarap na pagkain. Pero ba't ba ako nag-eexpect na masarap ang pagkain eh, hindi naman 'to restaurant? Umayos ka nga, Anna.

Ginamit ko ang elevator para makababa.

Napanganga ako sa nakita. Malabo lang ba ang mata ko o tatay talaga ni Jonas ang nakita ko? Hindi ba Tatay ni Jonas 'yon? O masyado lang akong nag-overthink kanina kaya nakita ko nanaman siya?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now