Chapter 41

40 2 0
                                    

Chapter 41

Sick

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi dahil nga iniisip kung ibabalik ba ang salitang sinabi niya, o tatanggapin. Should I?

Bumuntong hininga ako.

"Pa... nandito si Jonas," Tugon ko kay Papa na ngayon ay nakatingin sa'kin, mukhang nahihirapan din dahil sa nakikita. "Naguguluhan na po ako."

"Alam mo, Anna, nasa edad ka na at alam mo na ang ginagawa mo. Pero alam din natin may past ang pamilya niya sa Mama mo. Ang isa niyang kapatid, hindi ba ang isa sa mga dahilan kung bakit namatay ang Mama mo?"

I don't know what to say. Yumuko ako dahil hindi alam ang sasabihin. Hindi ba tamang ipagpatuloy ko ang nararamdaman kong 'to? At isusuko nanaman siya?

That is not the main reason of our breakup. Iyon lang ang alam ni Papa dahil hindi ko naman sinabi ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Marta.

Alam kong ako ang may kasalanan na hindi ako naniwala kay Jonas.

"Pero anak..." Mahinahon ang boses ni Papa. "Hindi siya ang kapatid niya."

Napaangat ako ng tingin kay Papa. He smiled at me.

"Alam kong mabuting tao si Jonas, anak. Pero... desisyon mo pa rin 'yan. Sabi ko nga, nasa tamang edad ka na. May stable ka ng trabaho... kaya pwede ka ng magpakasal," Nagulat ako sa sinabi ni Papa.

"Pa! Hindi pa po ako magpapakasal!" Natawa siya sa reaksiyon ko.

"Biro lang, syempre. Pinapatawa lang kita." Tumawa si Papa habang ako naman ay mabilis ang tibok ng puso dahil sa narinig. "Anna, kung ano ang tingin mong tama at nakakapasaya sa'yo... piliin mo."

"H-Hindi naman po Papa. Supervisor ko po si Jonas sa kumpanya kaya nandito siya." Paliwanag ko.

Ngumiwi si Papa saka tumawa.

"Ang dami-raming kumpanya sa mundo, dito talaga ang napili?" Umiling si Papa. "Naku, yung gawain niya, bulok!"

"Papa naman..." Ngumuso ako.

I gazed at my father while laughing. It's been awhile since I saw him laugh like that.

"Naku, Anna, basta kung mag-aasawa ka na, sabihin mo lang sa'kin. Saan mo ba plano? Dito sa Catanduanes o sasama ka sa kaniya sa Manila?"

Mas lalo akong napanguso dahil sa panunuya sa'kin ni Papa.

"Papa, wala pa sa plano ko 'yan!"

"Darating na lang din iyan d'yan, Anna. Kahit magpustahan pa tayo," Imbes na mainis ako ay natawa ako sinabi niyang pustahan.

"At ano namang ipupusta mo, Papa?"

"Yung blessing ko sa kasal niyo ni Jonas." Tumatawang tugon niya.

"Pa! Wala pa nga 'yan sa priorities ko. Kayo ang priority ko, kayo nila Vane." I said.

Ngumiti si Papa dahil sa sinabi ko.

He sighed. "Malaki na talaga ang prinsesa ko, ah? Lumaki ng maayos. Kung makikita lang to ng Mama mo ay magiging proud iyon sa'yo."

I smiled.

After we talked about it, I went to our office to work. Kahit gulo ang isip sa nararamdaman, naisip ko pa rin na tama naman si Papa pero may pumipigil sa'kin na sundin kung ano 'yung nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit o saan ba ito nanggagaling.

Nagsimula agad akong magtrabaho pagka-upo ko sa aking swivel chair. We're working now with the datas that we have received from Husticia Legal. Marami nga ang gagawing robot kaya kailangan talaga ng maraming magtatrabaho. After awhile, the door opened. Iyong boss ko pala ang nandito. I was expecting that it was Jonas.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now