Chapter 26

31 3 0
                                    

Chapter 26

Years

Sabay-sabay kaming pumunta sa hospital para doon magdiwang ng Christmas. Syempre, dapat kasama pa rin si Mama kahit na hindi niya alam ang nangyayari sa paligid niya.

Si Papa ang nagdesisyon na sa hospital magdiwang. Alam ko rin namang miss na miss na nila Nadine at Jarred si Mama dahil hindi naman nakakabisita rito palagi.

Bumili lang kami ng mga pagkain at dinala ito sa hospital.

Naisip kong mag-apply ng full scholarship at magkaroon ng raket pagbalik sa Manila. Kahit na ayaw ni Jonas, feeling ko naman mapipilit ko siya kapag hindi ako tumigil. Consistence is the key! Ayoko lang talagang maging pabigat sa kaniya.

Alam ko naman na mayroon din siyang mga problema, at ayaw kong maging isa ako roon.

"What's with the face? Christmas ngayon, oh. Smile ka naman," sabi ni Jonas sa'kin saka hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Nag-iisip lang," I honestly said.

"What are you thinking?" sumeryoso ang kaniyang mukha.

Nasa labas kami ng hospital ngayon para magpahangin. Buti na lang nga, pinayagan pa kaming pumasok kahit maghahating gabi na.

I looked at him.

"Wala naman..." wala sa sarili kong sinabi.

I heard him laugh.

"Ano? May iniisip lang pero wala naman? Anna, ano nga?" tanong niya habang tumatawa.

Pumunta siya sa harapan ko para makita kung ano ang itsura ko. Madilim na pero kitang-kita ko pa ang nag-aalalang mata niya.

Hay, Anna! Christmas na Christmas, nagdadrama ka d'yan? You should enjoy the Savior's birthday!

"Is this about your mother?" tanong niya at yumuko ng bahagya para maglebel ang mga mata namin. "Tell me."

Umiwas ako ng tingin at tumawa. "I was thinking if we could take a break, Jonas,"

"Woah, what?!" gulat niyang tanong kaya natawa ako.

"Joke!" tumawa ako sa sarili kong kalokohan pero halatang hindi siya natuwa 'don.

I was lighting up the mood dahil mukhang naging gloomy dahil sa kadramahan ko.

Humalukipkip siya at umiling. "Sumakit 'yung puso ko ng mga five seconds, legit," aniya, seryoso.

Humawak pa siya sa kaniyang dibdib habang nakahalukipkip. Tumawa ako sa sinabi niya. Grabe naman. Sumakit agad ang puso niya?

"What kind of joke is that? Ang baduy. 'Yan na ata ang pinaka-hindi magandang joke na narinig ko," sabi pa niya at umiling-iling.

"Grabe ka ha? What do you call 'doon sa ginawa mong nalunod ka sa Maribina? Mas baduy iyon at mas hindi maganda! Buti sa'kin, break lang eh, sa'yo hindi ko alam kung mamatay ka na ba or what!" oa kong sinabi.

Natawa ako sa sarili ko. Ang OA ko, shet.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa kaniyang bawyang ang umiling.

"Well, I prefer that than this one," nagkibit balikat siya.

"Ang sama! Gusto mo akong makulong gano'n? Kasi nilunod kita? Hindi pwede 'yon," ngumuso ako sa sinabi.

"Mas okay na 'yon para hindi mo ako makalimutan habang buhay. Kesa naman kapag..." he pursed his lips. "I can't even say and think about it. Ano ba kasing naisip mo?"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now