Chapter 2

113 9 5
                                    

Chapter 2

Meet

Kinakabahan pa rin ako. Tinitingnan ko lang ang tumutunog na cellphone ko na mayroong pangalan ni Jonas sa screen. Dapat ko bang sabihin sa kaniya?

Bahala na. I should tell him all basta about sa pamilya niya. He really has a messed life huh? Sana pala ay inalam ko muna. But he offered me much anyway. Bahala na!

"Anna. Where are you?" tanong niya.

"Nagkita pa lang tayo kanina ah. Nasa school pa ako. Bakit?"

"Magkita tayo." He demandingly said.

Magsasalita pa sana ako pero binabaan niya na ako ng phone. Ayos 'to, ah. He then sent me a message kung saan kami magkikita.

Gusto ko lang naman ng matitirhan ang makapag-aral but why am I doing these things? Why am I experiencing these all? Parusa na ba 'to sa'kin dahil noon, pa-chill chill lang ako sa buhay ko? Nag-aaral naman akong mabuti, ah?

Bumuntong hininga ako saka pumunta na lang sa sinabi niyang dapat kong puntahan.

Nagastusan pa ako ng taxi. Kesa naman kasi magbus o magjeep ako. Baka makapunta ako 'don ng amoy usok at pawis. Pero ano bang pake ko? He's not even an important person to me. Ayoko lang na maging mabaho.

"Ma'am, ipapasok ko pa ba?"

"Wag na Kuya. Dito na lang."

May nakit kong isang malaking family resto sa harap ko.

Kinuha ko ulit ang phone ko para tingnan kung may text ba siya pero wala naman. Sa tingin ko naman ay nasa loob na siya kaya pumasok na ako. Honestly, palagi ko lang 'tong nadaraanan at first time ko lang makapasok dito. That's why this is popular at pangmamayaman lang. Mga katulad naming simpleng tao lang, hindi maaafford ang ganito kasosyal na lugar. Siguro ang mahal mahal ng pagkain dito.

Libre ba ang tubig dito?

"Here!" napasimangot agad ako nang makita kong nakangiti si Jonas.

Mayroon siyang kamukhang Koreano, hindi ko lang matukoy kung sino. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng korean drama kaya hindi ko kilala ang mga artista roon.

Lumapit ako sa kaniya. Tiningnan ko ang iba niya pang kasama. Kumunot ang noo ko. Sino sila? May isang bata lalaking cute pero mukhang suplado. Nang ngumiti ako sa kaniya ay hindi man lang ako pinansin.

Iyong isa ring lalaki ay mas matanda kay Jonas. Sa harap nila ay may mag-asawang nakatingin sa'kin. The Korean woman's smiling at me. I awkwardly smiled too. Ang lalaki naman ay nakatingin lamang sa'kin, at tumagal iyon ng ilang segundo.

"Take a seat." He said.

Don't tell me... No...

"Anna, my family. Mom, Dad, si Anna." Pakilala sa'kin ni Jonas sa pamilya niya.

Tumingin ako kay Jonas. Hindi pa rin ako umuupo kahit na pinapaupo niya na ako. Hindi rin maalis ang mata ko sa kaniya dahil sa gulat. Bakit niya ako pinapakilala sa parents niya?

"Wha—"

"She's shocked. Hindi ko sinabing ininvite ko ang family ko. Akala niya kaming dalawa lang. Take a seat, Anna." Aniya pa.

"I want you to trust me on this." Bulong niya.

"Good evening hija. I'm Minha. You can call me Tita Minha. It's really nice to meet you in person. I didn't know that my son's impulsive with his decisions. And, he's interested in girls." She chuckled with what she said.

Pati 'yung Kuya niya ay natawa kaya medyo tumawa na rin ako kahit ang init init na sa inuupuan ko ngayon.

"Alam mo bang ikaw ang first girlfriend n'yan. Maraming nanliligaw dito, pero sa'yo ata tinamaan." He laughed, saka ginulo ang buhok ng kapatid niya. "By the way my name's Justin."

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now