Chapter 14

41 4 0
                                    

Chapter 14

Like

"Is there any problem, Jonas?" tanong ko agad dahil tahimik kaming nagbabyahe papuntang condo ngayon.

"None," he lied. Of course, there is.

"What is it?" tanong ko kahit wala naman ang sagot niya.

Tinigil niya ang kotse sa garage saka bumaba at umikot sa kotse para pagbuksan ako ng pinto. I like it when he does this everytime. What a gentleman. Napangiti naman ako sa naisip ko.

Pumasok kami sa elevator pero wala pa ring nagsasalita sa'ming dalawa. I can hear every footsteps, even his heavy breathing. Alam ko talagang may problema siya. Okay lang naman kung sasabihin niya sa'kin 'yon diba? I mean, kung okay lang naman sa kaniya.

"Is it a family problem?" tanong ko nang hindi na makayanan ang katahimikan naming dalawa.

"Hindi, Anna." Sabi niya.

"Then what?" tanong ko agad.

Tumunog na ang elevator pero hindi pa rin siya sumasagot. Nauna siyang lumabas para buksan ang unit. Tahimik siya habang binubuksan ito. He's still wearing his work attire that looks so fine with him.

Naupo muna ako saglit sa highchair saka tiningnan siyang hinuhubad ang sapatos habang nakaupo sa kama.

"Did you already eat?" tanong niya sa'kin. Cold, still.

Shit. Ano bang problema neto? He's making me feel bad. Gustong-gusto ko siyang i-comfort kung nahihirapan man siya. But I think I don't have the place to ask him that.

"Hindi pa. Magluluto ako. What do you want?" tanong ko sa kaniya.

He looked at me with his tired eyes, unbuttoning the first button of his suit. "You."

Halos masamid ako sa sarili kong laway. Hindi ko naman alam na babanat pala siya, sana naman ininform niya muna ako diba?

"H-Ha?"

"You? What do you want?" tanong niya ulit.

Ahhh, I got it. Tinatanong niya ako. Why does it sound like a statement and not a question?

"Ikaw ang una kong tinanong." Hindi ko sinasadya pero nagtunog masungit ang boses ko.

Nice move, Anna. Very nice move. He's suffering and you're being mean to him. Stop it already.

"Can you hug me?" doon nanlaki ang mata ko.

Pagkain ba 'yon? Dapat talaga nga pala ako na ang nagdecide ng pagkain.

"A-Ano?" tanong ko, nagmamaang-maangan sa narinig.

Nilapitan niya agad ako at niyakap. Pumikit-pikit ang mata ko. I can't believe that I'm now hugging the person I like.

"A-Are you okay, Jonas?" tanong ko habang yakap pa rin siya. No. Yakap niya pa rin ako.

Nang hindi siya sumagot, niyakap ko siya pabalik. I can almost hear our heartbeats. Mas hinigpitan niya pa ang pakayakap sa'kin.

"I'm sorry." Aniya.

Is he saying sorry for being missing in action these past few weeks? Hindi naman ako ganon kababaw para magalit. Is that why he is being problematic? Kawawa naman. E, hindi naman nga ako galit. Sinabi niya sana sa'kin kanina pa para naman hindi na siya nagkakaganito. Akala ko pa naman ay kung ano ng nangyari sa kaniya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun. Alam ko naman na busy ka. Naging busy rin naman ako kay Mama. Naiintindihan ko naman. You don't have to be sorry, Jonas." I smiled and caressed his back, telling him that I'm really fine with it.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon